Chapter 47

6.4K 172 23
                                    

masakit para sakin na iwan si ly pero kailangan ko pa din gawin dahil hindi ko kayang saktan siya ulit. alam kong mabibigla siya pag nakita niya ako at hindi yun makaka buti para sa kanya.

umuwi ako sa condo niya para mag impake ng gamit ko. habang inaayos ko ang bag ko ay hindi ko na napigilang mapaiyak. nakita ko namang tumatawag si tania sa phone ko pero hindi ko na sinagot dahil baka magbago pa ang isip ko at bago ako umalis ay hinalikan ko muna ang picture ni alyssa na nasa sala.

Kiefer: para din sayo to at sana balang araw mapatawad mo din ako. mahal na mahal kita.

ibinaba ko ang picture niya at tuluyan ng umalis. pagdating ko ng hotel ay tinignan ko ang phone ko at nakitang kong oras na pala para tanggalin ang benda sa mata ni ly. hindi ako mapakali dahil hindi ko alam ang magiging resulta nito. napa upo na lang ako sa kama at natulala. maya maya ay biglang tumunog ang phone ko at ng tignan ko ito ay message pala galing kay tania kaya agad ko itong binuksan. napangiti naman ako ng mabasa ko ang message niya na nakakakita na si ly at may kasunod pa pero hindi ko na binasa.

hindi ko alam kung kelan ako babalik ng philippines dahil alam kong pag bumalik ako ay parang tinatapos ko na din ang lahat. wala naman na akong balak na magpakita pa kay ly kailangan ko lang munang ihanda ang sarili ko bago ako umuwi.




nasa condo na kami ni alyssa dahil ok naman na siya kaya pinayagan na siyang umuwi although marami pa din siyang bawal gawin dahil bagong opera nga siya.

nagulat ako dahil pagdating na pagdating namin ay agad siyang pumasok sa kwarto ni kiefer, napatakbo naman ako sa kanya ng lumabas siyang umiiyak dahil kabilin bilinan ng doctor na bawal pa siyang umiyak.

Tania: ly bawal kang umiyak diba? please naman oh tama na.

inalalayan ko siya para umupo sa sofa at naupo naman siya pero hindi pa din tumitigil sa pag iyak.

Aly: he's not here.

malungkot na sagot niya. naawa ako sa kalagayan niya pero hindi ko na lang pinahalata dahil lalo lang siyang malulungkot

Tania: baka may emergency lang ulit tulad nung nakraan. babalik din yun

Aly: pero bakit nung mismong tinanggal yung benda ko wala din siya.

Tania: ly alam mo naman yung dahilan diba, napagusapan na natin to

Aly: baka na realize lang niya na hindi na niya ako mahal kaya siya umalis

Tania: wag ka munang mag isip ng kung ano ano dahil hindi mkakabuti para sayo yan .

Aly: tania nagkamali ba ko?

tanong niya at napatingin sakin

Tania: hindi, sumubok ka lang ulit dahil yun ang alam mong tama.




nagpunta ako sa park para maglakad lakad at para makag isip na din. bukas na kasi ang flight ko at sa oras na umalis ako siguradong wala na akong babalikan.

habang nakaupo ako sa bench kung saan may masasayang alala kami ni alyssa ay hindi ko na napigilang mapaiyak. hindi ko siya kayang pakawalan dahil mahal na mahal ko siya pero hindi ko din kayang manatili sa kanya kung masasaktan at mahihirapan lang din naman siya. mas pipiliin ko na ako ang masaktan kesa siya.

nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko at nang tignan ko si tania pala kaya agad kong pinunasan ang luha sa mata ko. 

Tania: kung naging matapang ka lang hindi ka sana umiiyak jan.

salita niya at umupo sa tabi ko.

Kiefer: kamusta na siya?

Tania: ok naman, ikaw?

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now