Chapter 24

3.7K 140 7
                                    

simula nung manggaling kami sa bahay nila alyssa napansin ko na lagi ng masaya si carmela which is a good thing dahil bihira na niya akong sungitan tulad ngayon naisip kasi namin na mag lunch dito sa labas ng bahay at nagulat ako ng ikuha niya ako ng pagkain at sabay daw kaming kumain.

Aly: tititigan mo na lang ba yung pagkain? nag effort pa naman ako.

Kiefer: ha?

(gulat na tanong ko)

Aly: ayaw mo ba niyang kinuha ko?

(malungkot na tanong niya)

Kiefer: gusto ko siyempre..

Aly: eh bakit ayaw mo pang kumain, gusto mo ba subuan pa kita?

hala siya.... kikiligin ba ako oh matatakot?

Kiefer: ikaw kung gusto mo hindi kita pipigilan.

nagulat ako ng tanggaling niya ang bbq sa stick at nilagyan ng kanin para isubo sakin kaya ngumanga naman ako.

Aly: sus para kang bata kung hindi pa kita susubuan hindi ka kakain.

Kiefer: bakit ang sweet mo ngayon?

Aly: ha? hindi noh, bumabawi lang ako sa mga pagtataray ko sayo dahil baka mamaya kunin ka na ni Lord hindi pa ko nakakabawi.

Kiefer: ay grabe siya.. kaya naman pala.

Aly: hahaha joke lang, kumain ka na nga lang and dami mo pang sinasabi.

habang kumakain kami hindi ko padin maiwasan na mag isip, ano kayang nakain neto at bibili ako ng madami para lagi siyang sweet sakin.

pagkatapos namin mag lunch ay naupo ako sa biranda para magpahinga dahil ang dami kong nakain at parang sasabog na ata chan ko.

Jasmine: anong pinakain mo dun?

(tanong niya na nasa likod ko na pala)

Kiefer: ha??

Jasmine: eto naman nag mamaang maangan pa kahit alam naman niya kung sino tinutukoy ko.

Kiefer: sino ba kasi?

Jasmine: si carmela! ano pinakain mo dun at naging sweet sayo, ginayuma mo noh?!

Kiefer: baliw! hindi noh, ewan ko ba dun bigla na lang naging ganun yun.

Jasmine: wag mo sabihing ayaw mo.

Kiefer: may sinabi ba ako?

Jasmine: baka na fall na sa kagwapuhan mo.

Kiefer: malamang, sa gwapo ko na to tatanggi pa ba siya.

Jasmine: wow confidence level 10 bes, bakit kaya hindi naman ikaw yung gumawa ng move hanggat ganyan siya sayo.

Kiefer: magpapaka sweet din ako?

Jasmine: well kasama na din yun pero ang sinasabi ko yung bonding, ayain mo mamasyal

Kiefer: saan naman eh hindi nga kami pwedeng lumayo diba.

Jasmine: edi dun sa dati niyong pinupuntahan ni alyssa. yung kinwento mo sakin.

Kiefer: ha??? pero....

Jasmine: si pero naman. bahala ka ikaw din baka pagsisihan mo yan pag hindi ka pa kumilos.

Kiefer: baka maalala ko lang si alyssa pag dun ko siya dinala.

Jasmine: kaya nga papalitan niyo ng bagong alaala diba!

kiefer: pano kung hindi niya magustuhan tapos baka hindi pa siya sumama sakin.

Sunshine After The RainWhere stories live. Discover now