Chapter 43

4.8K 150 35
                                    

nagdilim ang paningin ko ng makita ko si franco na naka ibabaw kay ly, agad ko siyang sinapak at hinila palabas ng condo. susuntukin ko sana siya ulit ng bigla namang dumating si evon at agad akong inawat.

Evon: kiefer!! ano bang problema mo!

sigaw niya habang naka pagitna saming dalawa.

Kiefer: bakit hindi mo itanong sa gago na yan.

napatingin naman siya kay franco na agad tumayo at pinunasan ang dugo sa labi niya

Franco: ewan ko sa sira ulo na yan bigla na lang akong sinapak

lalong namang naginit ang ulo ko sa sinabi niya. susugurin ko sana siya ng umawat ulit si evon.

Evon: kiefer pinayagan kitang mag bantay kay ly dahil sabi mo hindi ka mang gugulo pero ano tong ginagawa mo?

Kiefer: balak niyang gahasain si alyssa evon!

sigaw ko at nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko.

Evon: totoo ba yun franco?

Franco: bakit kasi pinayagan niyo pa yang mag alaga kay ly eh wala namang ibang ginawa yan kung hindi manggulo

Evon: sagutin mo yung tanong ko! totoo ba?

hindi na nakasagot si franco sa tanong ni evon. nagulat nalang ako nang bigla siyang sinampal nito.

Evon: ayoko ng makita yang pagmumukha mo dito! lumayas ka!

sigaw niya at agad na pumasok sa condo para puntahan si alyssa.

Franco: babalikan kita tandaan mo yan

Kiefer: wag ka mag alala hihintayin kita.

umalis naman siya agad kaya bumalik na ako sa loob para tignan si alyssa. pagpasok ko ng kwarto niya ay nakita ko siyang yakap ni evon habang umiiyak.

Evon: shhh... tahan na...

Aly: natatakot ako evon

Evon: wala na siya pinaalis ko na..

Aly: hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin sakin to.

Evon: ipapa pulis ko yung hayop na yun, hindi ako titigil hanggat hindi siya nakukulong.

hindi na sumagot si alyssa at umiyak nalang ng umiyak. gusto ko sana siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil nandito si evon, lumabas na lang ako dahil hindi ko kayang makita siyang ganon. maya maya ay lumabas na din si evon at naupo sa sofa, agad ko naman siyang nilapitan para kausapin.

Kiefer: kamusta na siya?

Evon: ayun nakatulog na kakaiyak.

Kiefer: sira ulo yung hayop na yun. wag na wag siyang magpapakita sakin at baka mapatay ko na siya.

Evon: kief.. thank you..

napatingin naman ako sa kanya dahil nagulat ako sa sinabi niya.

Kiefer: para saan?

Evon: kung wala ka dito baka kung ano nang nangyari kay ly..

Kiefer: evon tungkulin kong pangalagaan si alyssa at hindi ako papayag na may mangyari sa kanyang masama.

maya maya ay nagpaalam na din si evon dahil kailangan pa daw niyang ireport si franco sa mga pulis. habang natutulog naman si ly ay nagluto na ako para pag gising niya ay makakain na siya.

pagka lipas ng ilang oras ay hindi pa din siya lumalabas kaya naisipan kong hatiran na lang siya ng pagkain sa kwarto niya.

kumatok muna ako at narinig ko naman siyang sumagot kaya agad akong pumasok bitbit ang isang tray. pag pasok ko ay napansin kong malungkot siya dahil sa itsura ng mukha niya.

Sunshine After The RainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant