Chapter 23

3.6K 142 6
                                    

papunta ako sa bahay ni kiefer ng makita ko si alyssa sa tabing dagat kaya nilapitan ko siya, nagulat ako ng yumakap siya sakin ng mahigpit at humagulgol sa pag iyak agad ko naman siyang niyaya sa may kubo dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao at baka isipin pa nila na ako ang may kasalanan. bumili ako ng gin dahil gusto daw niyang uminom pinagbigyan ko na lang at baka magwala pa.

Jasmine: may problema ka? syempre meron kasi hindi ka naman iiyak at iinom kung masaya ka.

Aly: alam mo naman pala

Jasmine: so ano naman ang problema mo?

Aly: ang sama sama kong anak jas, nag kasakit si itay nung umalis ako at ngayon malala na ang kalagayan niya, kung hindi sana ako naging makasarili hindi mangyayari sa kanya to.

Jasmine: hindi mo naman ginusto yung nangyari diba, at hindi ka naging makasarili dahil ginawa mo lang kung ano yung alam mong tama.

Aly: hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nawala si itay sakin

Jasmine: hindi pa huli ang lahat alyssa, may pagkakataon ka pa para maka bawi sa kanya at gawin mo na yun bago pa mahuli ang lahat.

nakita ko sa mga mata ni alyssa ang sakit at hirap ng pinag dadaanan niya, wala naman akong magawa kaya sinabayan ko na lang siya sa paginom para naman maramdaman niya na may karamay siya sa mga problema.

nagulat ako ng sabihin sakin ni dani na nawawala si carmela dahil kanina lang ay magkausap kami at hindi ko naman namalayan na umalis siya. lumabas ako ng bahay para maghanap sa kanya maya maya lang ay dumating si etong na hingal na hingal.

Estong: kuya kiefer!!!

Kiefer: oh estong anong ginagawa mo dito?

Estong: sumama kayo sakin bilisan niyo.

Kiefer: ha? bakit?

Estong: si ate loves..

si carmela???

agad siyang tumakbo kaya sumunod na lang kami, nakita ko siyang pumasok sa isang kubo na mejo madilim kaya hindi namin makita ang loob buti na lang at may dala pala siyang flashlight.

Tania: oh my god si carmela...

(sigaw niya)

nagulat ako nang makita ko si carmela na nakahiga at walang malay kaya agad ko siyang nilapitan at binuhat. pabalik na sana kami sa bahay ng makita ko pa ang isang babae na nakahiga sa kabilang side ng kubo.

Kiefer: jasmine?

Dani: si ate jas ba yan??? anong nangyari sa kanila??

Estong: mukang uminom sila dahil ang daming bote ng gin eh.

(sagot niya habang iniilawan ang mga bote ng alak na nagkalat sa sahig)

nilapitan ni dani si jasmine at pilit ginigising pero mukang hindi na siya magigising dahil sa kalasingan.

Estong: kuya kiefer mauna na kayo tatawagin ko na lang si kuya para siya ang maguwi kay ate jasmine.

Kiefer: sigurado ka?

Estong: opo. ate dani pwede bang paki bantayan muna po si ate jas habang tinatawag ko si kuya?

Dani: ha? oo sige pero tania samahan moko ang dilim eh.

Kiefer: mauna na kami hindi ko na kaya buhatin to ng matagal.

Tania: sige pero ingatan mo yan dahil sasakalin kita pag may ginawa ka jan.

Kiefer: opo....

(sagot ko at umalis na)

pagdating ko sa bahay ay hiniga ko agad si carmela sa kama niya, pumunta ako ng kusina para kumuha ng maligagam na tubig at bimpo para ipunas sa paa niya na puno ng buhnagin.

Sunshine After The RainМесто, где живут истории. Откройте их для себя