Chapter 1

2.7K 41 1
                                    

- Hacienda de Ferrer –

** Way back 16 years ago. Agnes was 5, Amanda was 7 and Miguel was 8 years old.

Habang abala sa engrandeng pagtitipon ang mga Ferrer kasama ng ilan pang mayayaman sa lipunan, nakita ni Don Felipe ang tatlong bodyguards bitbit ang isang lalaki, agad nyang isinenyas sa mga ito na dalhin sa likod bahay ang lalaki para doon alamin ang nangyare.

“Anong nangyayare?” Don Felipe

“Nakita ho namin nagnanakaw ng isang kabang bigas at isang kaing ng prutas.” Paliwanag ng isang bodyguard

“Hindi po iyon totoo. Ibabalik ko nga ho eh, nakita ko lamang ang isang trabahador na syang balak kumuha pero pinigilan ko.” Sabi ng lalaki na nakaluhod na sa pagmamakaawa

“May nakakita sa’yo. Kaya nga kami nagpunta sa tubuhan para makasiguro eh. Ibibintang mo pa sa trabahador na nakakita sa’yo!” Bodyguard

Itinaas ni Don Felipe ang kanang kamay nya para tumigil na ang mga ito “Berting, ayoko nang maulit ito. Kaya ayoko na ring makita ang pagmumukha mo sa hacienda ko! Mabait ako sainyo pero masama ako sa mga magnanakaw na kagaya mo!” pagkatapos nyang magsalita ay bigla na lamang nilang iniwan ang lalaki na hindi man lang nakapagpaliwanag.

****

“Tay? Ano hong nangyare sa inyo? Bakit ganyan ang itsura nyo puro kayo pasa at sugat.” Nag aalalang tanong ni Jetong

“Ang mga tauhan ni Don Felipe, pinagbintangan akong nagnanakaw sa tubuhan at mismong si Don Felipe hindi ako hinayaang magpaliwanag sya na rin ang nagpalayas sa atin rito. Kaya mag impake ka na. Aalis na tayo.. iyang Simon na yan tinraydor ako, sya ang nagnakaw sa akin ibinintang!” Sabi ni Mang Berting na habol hininga sa pintuan

Agad rin namang nagligpit ng mga gamit ang anak nito. Pero habang nag aayos ng gamit si Jetong ay bigla na lamang inatake sa puso ang kanyang ama. Dinala nya ito sa ospital pero wala na itong buhay. Dahil doon nagpasya syang umalis at pumuntang Maynila. Napadpad sya sa isang ampunan pero hindi rin nagtagal dahil may mayamang matanda na umampon sa kanya. At sa kanyang muling pagbabalik kasama nya ang isang malaking pagbabago sa kanyang pagkatao.

End of Chapter 1

I Never Knew Love 'til I found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon