Chapter 9

1.8K 47 3
                                    

Pagdating nila sa bahay nina Amanda inayos ni Agnes ang mga damit at ilang gamit nya sa naging kwarto nya

“Mabuti na lang hindi ko sinabi agad kay Jerry” sabi ni Agnes pagkaupo nya sa kama

“Ang alin? Yung nangyare kay daddy?” Amanda

“Alam nyang patay na si dad, masaya pa nga sya eh” Agnes

“Eh alin ang hindi mo sinabi?” Amanda

“Nung tumawag ka para sabihin na wala na si daddy, galing ako sa doctor kasi masama ang pakiramdam ko… dun ko nalaman na 10 weeks na pala akong buntis…” Agnes

“Talaga?” Amanda

“Naisip ko nga na baka kapag nalaman nya na buntis ako mabago ko ang isip nya at maibalik yung bahay at ilang negosyo natin kaya lang bigla nyang sinabi na sinasadya nyang hindi ako mabuntis dahil ayaw nyang malahian ng kagaya natin. Akala nya wala talagang mabubuo.” Agnes

“Ang sama talaga ng ugali ng asawa mo” niyakap nya si Agnes “di bale nandito naman kami tutulungan ka namin ni Miguel, best friends tayong tatlo di ba?” Amanda

“Salamat ate ha?” Agnes

“Kaya siguro sinama ko si manang dito magiging dalawa yung baby hahahah” Amanda

“Di bale ate magtatrabaho ako para naman hindi kayo mahirapan ni Miguel” Agnes

“Oo nga tutal matalino ka naman, kayang kaya mo yung trabaho namin sa kumpanya, buti na lang talaga may kumpanyang natira yung nasa pangalan namin ni Miguel na regalo ni daddy” Amanda

“Oo nga eh,”Agnes

“Buti hindi ka pinigilang umalis ni Jerry?” Amanda

“Nauna pa ngang umalis sakin eh!” Agnes

Habang lumilipas ang mga bwan, nalaman nila na bumalik si Jerry ng maynila para magpatuloy ng business pero hindi naging successful. Nalaman na lang nila sa kaibigan ni Miguel na nakalaban nila ito sa sugal at ipinusta sa isang nilang kalaro ang ilang hotels kasama ang business na nakuha sa kanila. Isang kumpanya at restaurant na lang ang natira dito.

After 6 years

“Mommy anong iniisip mo?” Tanong ni Angeli kay Agnes

“Wala iniisip ko lang yung pagpunta ko ng Maynila.” Agnes

“Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?” Angeli

“Nag aaral ka eh, mahuhuli ka sa lessons mo pag umabsent ka. Sa bakasyon na lang ha?” Agnes

“Mommy last question” Angeli

“What is it?” Agnes

“Who is my dad? I haven’t seen any picture of him. Where is he?” Angeli

“Di ba nasabi ko na, nasa ibang bansa si daddy?” Agnes

“Pero bakit yung daddy ng classmate ko pag Christmas umuuwi dito sa Philippines then babalik na lang after new year, si daddy hindi man lang tumatawag” Angeli

“Nandito naman ako baby eh, I won’t leave you. Sige na matulog ka na wag nang maraming tanong ha.” Agnes

Pinahatid nya na ito sa yaya nya sa kwarto para hindi na magtanong pa ng mga hindi nya kayang sagutin.

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now