Chapter 23

1.7K 51 13
                                    

Habang naglalakad si Agnes sa hallway ng kumpanya ay wala syang narinig na Good Morning mula sa mga empleyado nya ni hi ni ho wala rin syang natanggap mula kay Jerry.

Sumakay sya ng elevator at pagdating nya sa floor kung nasaan ang kanyang opisina ay masaya nyang binati ang mga taong nandoon pero ngumiti lang ito sa kanya pagkatapos ay inabala nang muli ang kani-kanilang mga sarili…

*Sigh* “It’s my birthday! Our anniversary! Pero wala man lang nakaalala kundi ako?!!! Ibang klase ka talaga Jerry.” Pumunta sya sa may bintana at tumingin tingin sa kung anuman. Mas lalo pa syang nalungkot ng maalalang pati si Angeli ay hindi pa rin sya tinatawagan para batiin kahit ang ate Amanda nya ay wala rin syang natanggap na pagbati.

Maya maya pinuntahan nya si Jerry sa opisina nito…

“Ah babes pwede ba tayong mag lunch out later it’s my bir---------

 

 

“Babes, I’m sorry super busy talaga ako today. Padeliver ka na lang ok?” hinalikan sya sa noo pagkatapos ay nagmadaling umalis habang may kausap sa cell phone nya.

Lalo namang nagusot ang mukha ni Agnes dahil sa sama ng loob kaya minabuti nyang abalahin na lang din ang sarili sa trabaho hanggang sa hindi nya namalayan na hindi na sya nakapaglunch. Alas kwatro na ng hapon ng mapatingin sya sa orasan kaya naman dali dali syang lumabas.

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now