Chapter 8

1.7K 36 1
                                    

After two months nakarecover din ang daddy nila pero hindi na sya nagtrabaho nasa bahay na lang ito at ikinuha ng private nurse, si Amanda kase nanganak na kaya hindi muna pwedeng mapagod sa pag aalaga sa daddy nila.

**phone rings

Narinig ni Agnes na nagriring ang cellphone ni Jerry kaya kinuha nya yun sa ilalim ng unan para sagutin

“Cynthia?”

Accept

Hindi pa man sya nakakapag ‘hello’ ay nagsalita na ito ng tuloy tuloy

“Hello Je! Confirmed! Positive! I’m on the way na, are you happy? O mamaya ka na magsalita…haha… Matutupad na ang kaisa isa mong hiling… basta ha see you later, bye!”

End of call

Confirmed? Positive?

“Anong ibig nyang sabihin? Kaisa isang hiling ni Jerry?” tanong nya sa sarili nya

“Agnes! Naiwan ko yung cellphone ko nakita mo ba?” Jerry

“Ah eto oh? Matanda ka na makakalimutin ka na” pinilit nyang ngumit

“Parang hinahamon mo ako Agnes ah! Pasalamat ka may naghihintay sakin sa opisina” lumapit ito sa kanya “…kung hindi, baka nakalimutan kong umagang umaga ngayon” Jerry

“Ah may tumawag nga pala dyan, sinagot ko na kaso di naman ako nakapagsalita kasi tuloy tuloy sya tapos binaba nya din agad” Agnes

“Sino?” Gulat na tanong ni Jerry

“Cynthia” Agnes

“Si Cynthia? Tumawag sya?” kinakabahan sya

“Oo sino ba yun?” Agnes

“Ah empleyado ko lang yun. Anong sabi?” Jerry

“Ahh nakalimutan ko na eh itanong mo na lang sa kanya” Agnes

#AgnesLiarLiar!

Pag alis ni Jerry dun na sya umiyak. Bakit parang close na close sila sa tono ng pananalita ng babae kanina?  Pero nung makauwi si Jerry ni hindi nya ito tinanong pa gustuhin man nya ayaw bumuka ng bibig nya kapag susubukan nyang tanungin.

~~~

“O manang napatawag ka?” Agnes

“Agnes si ate to nakitawag lang ako kasi naiwan ko yung phone ko kakamadali eh” Amanda

“Bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka ba? Anong problema?” tanong nya sa ate nya dahil pahikbi hikbi ito at medyo namamaos na.

“Wala na si daddy” Amanda

“Ano? Anong wala?” Agnes

“Patay na si daddy…”Amanda

~~~

“Ate anong bang nangyare?” hawak hawak ni Agnes ang kamay ng daddy nya

“Sabi nung nurse hindi daw makahinga si daddy kagabi, pero may binabanggit daw na pangalan kaso hindi nya maintindihan, nung nakainom ng gamot umokey naman tapos nagpakuha daw ng papel at ballpen sabi ibibigay daw satin kinabukasan kaya lang kanina nung ginigising nila hindi na nagising” napahagulgol na silang pareho

I Never Knew Love 'til I found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon