Chapter 26

1.4K 49 4
                                    

Pagkatapos ng romantikong naganap na naman samin ng asawa ko eh pinilit ko na ring pumasok, syempre naman noh? Baka mamaya nyan kung ano na namang mangyare samin dito sa bahay eh lalo pang humaba ang bakasyon ko. Tambak na tambak na nga ako ng papel sa opisina eh.

“Jerry ano ba bakit ba  ang tagal mo kanina pa ako dito sa kot---” loko talaga to! Hindi pa nga ako tapos magsalita at magsermon eh hinalikan ako ng madiin saka sumakay ng kotse! Bastusing asawa! Tsk!

“Sana walang traffic!” sabi nya habang inilalabas ng gate ang kotse.

“Sana nga. Andami ko ng gagawin. Sobra, hay…..(binuksan ko ang bag ko at naglagay ng lipstick) **Pho~p** (pinantay ko ang lipstick ko bago ulit nagsalita) yung isa kasi dyan, ay ewan! Sana kanina pa ako sa office edi sana nakapagumpisa na ako ng ibang trabaho ko.” I rolled my eyes and look at the window.

Ramdam ko, nakangiti si Jerry ng nakakaloko. Hay nako talaga. Ang hirap magkaasawa ng……………………NAKAKAAKIT!!!!

“Kasalanan mo! Nakakaakit ka kasi kapag nakatwalya! Hahaha!” Sabi nya ng hindi tumitingin sakin.

“Ako pa talaga ang sinisi mo. Sisihin mo sarili mo, L*b*g mo kasi!” sabay kaming napatawa. Eh totoo naman diba?

“Oo na oo na! Ayaw mo yun hindi nawawala ang tama ko sa’yo.” Tumingin sakin “Sarap no?” saka nagkagat ng labi

“Heh! Lakas ng loob mong sabihin yan! Hindi ako nasarapan noh, sakit ng likod ko. Ibangga-bangga mo ba naman sa pader eh. Bilisan mo na nga! Mamayang gabi susunduin pa natin si Angeli.” Sabi ko naman sa kanya. Tatanungin pa ako kung masarap!

“Yes! Kumander!” sagot nya habang nakangiti pa rin. Hay ang gwapo talaga nito kahit na may kalakihan ang size ng bewang.

** Sa office

“Wow! Ang magsyota talagang hindi mapaghiwalay.” Bati ni Marc na dumating na pala ng bansa

“Ganyan ka bang maggoodmorning?” sabi ni Agnes

“At hindi kami magsyota” itinaas ni Jerry ang kamay nila ni Agnes na magkahawak kaya naman nakita ni Marc ang singsing nila

“K-kasal na kayo? Kelan p-pa? Bakit hindi ko alam?” Gulat na gulat nyang tanong samin

“Last week pa.” sumama ang tingin ni Marc samin

I Never Knew Love 'til I found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon