Chapter 28

947 40 2
                                    

5 am na pero hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa iniisip ko. Hindi ko kase alam kung paano sasabihin kay Agnes ang tungkol sa ginawa ni Marc. Kahit ata magpaikot ikot ako sa kama hindi talaga ako makatulog. Kaya bumaba na lang ako para magluto ng breakfast.

Habang nagluluto ako naramdaman kong may taong papalapit sakin, hindi na ako nagpasya pang lingunin kung sino yun dahil amoy pa lang nya alam na alam ko na.

"Aga mo gumising ah? Anong meron?" Tanong nya habang nakayakap sa likod ko

"Di pa nga ako nakakatulog." Haist anong gagawin kong paliwanag. Sabi ko sa isip ko

"Bakit naman. Anong iniisip mo? May babae ka ba kaya hindi ka makatulog dahil sa kakaisip sakanya?! Sumagot ka Morales!!" Medyo kinurot pa nya yung tyan ko pero di ko na pinansin pinagpatuloy ko na lang ang paghalo sa sinangag.

"Babes, gusto kong tumawa perodi ko magawa dahil alam kong malulungkot ka kapag nalaman mo yung totoo." Sabi ko at napabuntong hininga ako saka ko pinatay ang kalan at hinila ko sya at inupo ko sya sa mesa. Ako naman nakayakap sa kanya.

"Ano bang problema?" Tanong nya na halatang naguguluhan.

"Wala nang pera ang kumpanya." Pag uumpisa ko.

"What do you mean? I just checked the account and----" nilagay ko na ang daliri ko sa lips nya di ko na sya pinatapos at tinuloy ko na ang pagpapaliwanag.

" What you see was all fake. Nakafloat lang sa account yung pera kahit na ang totoo wala nang laman ang account. Umupa daw si Marc ng isang software hacker para makuha ang passcode ng account natin pagkatapos may chip na inilagay sa loob para magfloat yung huling amount para anytime you check it mayron ka pa ring makikitang pera, it can even increase or decrease a bit para di mo mahalata na hindi na lumalago ang pera. Wala nang pera ang kumpanya Agnes and this is the reason why sometimes I got home late and drunk dahil gusto kong kalimutan ang problema dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo. I'm sorry babes i tried to fix this pero hindi ko nagawa." Isinubsob ko na ang mukha ko sa balikat nya dahil hindi ko na napigilang umiyak.

"Kaya ba ayaw mo na akong papasukin dahil ayaw mong malaman ko ito?" Tanong nya

"Oo at hindi ko na rin kasi maitago na marami na akong tinanggal sa trabaho dahil wala na akong maipasweldo. Natatakot akong maubos pati yung naipon ko eh." Sagot ko kay Agnes.

"Kaya natin 'to babes. Isasara natin ang kumpanya pero hindi ibig sabihin nasusuko na lang tayo basta basta. We will start a new business kahit maliit lang basta maganda ang kita." Pinunasan nya ang luha ko kaya pinunasan ko rin ang luha nya "Stop crying na babes. We can make it. May kanya kanya pa naman tayong naipon diba? Pwede nating gamitin ang iba non." he kissed me

"Thank you babes. Akala ko magagalit ka tapos makikipaghiwalay ka ayoko pa na----.

"Shhhh!!! Hindi yon mangyayari babes. I promise." Agnes

"I love you babes. I love you so much." Niyakap ko sya ng mahigpit na parang wala ng bukas.

Nasabi ko man ang tungkol sa pagkawala ng pera, natatakot pa rin ako dahil pwedeng mawala si Agnes o ang anak namin anumang oras. Dahil pati sila binabalak kunin ni Marc pero hindi ako papayag. Mahal na mahal ko si Agnes at Angeli at kahit anong mangyare hinding hindi ko sila ibibigay sa Marc na yun. Kahit buhay ko pa ang kapalit.

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now