Chapter 13

1.9K 44 2
                                    

“Mommy? Hanggang kelan ka dito?” Tanong ni Angeli sabay kalong sa mommy nya

“2 weeks siguro.” Kiss sa pisngi ng anak

“Sino po yung Jerry??” Angeli

Nagulat sya ng maalala na naman ni Angeli si Jerry pangatlong beses na kasi syang tinatanong ng anak nya tungkol kay Jerry. “Ah…ahm wala yun! Wag mong isipin yun.”

“Eh bakit sya tumatawag palagi tapos ayaw mong sagutin kaaway mo ba sya?? Di ba sabi mo bad yun. Dapat friendly.” Angeli

“Ah hindi ko kaaway yun baby. Ahm….ah…pano ba? Ah… wala lang kasi kaming pag uusapan. May mga tinatanong lang sya about work. Yun lang.” Agnes

“Eh pagbalik mo pwede ba akong sumama??” Angeli

“Hindi talaga pwede.” Agnes

“Ok.” Kinuha yung phone ni Agnes

“Oh anong gagawin mo?” Agnes

“Maglalaro lang ako ha?” Angeli

“Ok!” bumaba si Angeli “Oh ayaw mo ba sakin umupo?” Agnes

“I’m a big girl now.” Pagkatapos ngumiti bago tuluyang ituon ang pansin sa cellphone. Si Agnes naman, nanuod ng TV

Matagal tagal ring naglaro si Angeli nang magsawa sya ay tumingin sya sa mommy nya at napangiti ito ng makitang nakatulog na habang hawak ang remote.

Hello this is Angeli : )

Text nya kay Jerry gamit ang cellphone ng mommy nya

Hi. May problema ba?

Reply ni Jerry, pagkatapos ay tumawag ito mabuti na lang at mabilis si Angeli at nacancel nya agad yun kung hindi baka nagising na ang mommy nya.

Don’t call. Gaano katagal ang travel mula manila hanggang d2?

Mabilis lang mga 1 and a half lang. Y?

I want to see you. Are you mommy’s friend?

Yes very close friend. Gusto mo punta ako jan?

Ok lang sa family mo?

Mag isa lng ako eh.

Promise you’ll come?

Oo nga. Ang kulit mo para kang mommy mo?

Hahaha! And pretty too!

Baka magalit mommy mo. wag na lang.

New Yr. naman eh. D2 kn lng po mag spent ng new year pls.

Cge n nga. San nb kau nakatira?

I’ll text u nlng po kung saan bye. Gising na si mommy.

Delete all messages. Inbox and sent items. Mautak na bata!

“Hi mom!” Angeli

**yawn**  Nakatulog pala ako.” Inabot ni Angeli ang cellphone “Lowbat na?” tanong nya pagkakuha ng cellphone nya

“Malapit na hahaha!” Angeli

“Ikaw talaga! Kumain ka na?” Agnes

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now