Chapter 20

2.1K 48 11
                                    

“Napakagago mo talaga Jerry! Sobrang gago mo! Bakit mo ginawa yon kay Agnes akala ko ba kaya mong magtiis at maghintay?” sabi nya sa kanyang sarili habang padabog na humiga sa kama nya

Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa nya para tawagan si Agnes pero hindi nya mapindot ang call button dahil hindi nya alam ang sasabihin.

~~~

“Mam good morning po! Mabuti po pumasok kayo ng maaga nandito na po yung mga iinterview-hin nyo. Si Sir Jerry po wala pa po eh. Si Sir Marc po nagkaroon ng emergency meeting sa mga clients.” Salubong sa kanya ng secretary nyang si Misty

“Ilan ba sila? Akala ko nainterview na yang mga yan? Andami ko pa naman ding gagawin today!” sabi nya habang nagmamadaling maglakad

“15 po silang nakapasa sa exam mam eh.” Sagot ni Misty sabay abot ng mga resume

“Sige sige ayusin ko lang ang gamit ko. Samahan mo sila sa meeting area susunod ako.” Agnes

Nakapaginterview na sya ng 10 empleyado at 6 na ang naapprove nya. Meron pang limang natitira pero pinabalik na lang nya after lunch para magawa rin nya ang iba pa nyang trabaho. Habang pumipirma sya ng ilang files ay kumatok si Misty para sabihin na nandun na si Jerry sa opisina nya.

“Jerry” tawag nya sabay pasok sa loob

“Bakit?” sagot nito pero hindi sya tinitingnan

“May lima pang applicants na hindi ko nainterview baka pwedeng ikaw naman ang humarap sa kanila andami ko pang ginagawa eh.” Agnes

“Ikaw na marami din akong tatapusin.” Hindi pa rin sya tinitingnan

“E bakit ka kasi late! Dapat kanina ka pa pumasok para nakapagsalisihan tayo pag interview sa mga yon!” huminga ng malalim at nakatingin pa rin kay Jerry

“Tawagin mo yung partner mong si Marc patulong ka.” Patuloy lang sa ginagawa nya si Jerry

“Wala sya may lunch meeting sa bagong clients.” Agnes

“Yung mga tao dyan sa labas ----

“Jerry, please. I really need your help. Kahit mag interview ka lang ng dalawa maglulunch lang ako then ako na sa tatlong matitira.” Sabi nya sabay punas ng kamay sa mukha nya

“Hindi ka pa kumakain?” biglang tumingin kay Agnes

Umiling ito sa kanya “Ako lang kasing mag isa kanina. Wala akong karelyebo sa applicants tapos kelangan ko ng isubmit sa Levitouhvz yung report para sa stocks natin kaya inuna ko na yun kesa maglunch.”

“Sige na kumain ka na ako na bahala sa natirang applicants. Tapusin mo yung ginagawa mo pero eat first!” sinet nya sa hibernate ang laptop nya sabay tayo

“Thanks! Buti nalang pumasok ka. Akala ko absent ka na naman.” Sinabayan si Jerry paglabas pero hindi sya pinansin nito at kinausap pa si Lisa bago pumunta sa meeting area

Si Agnes naman bumalik muna sa office nya para kunin ang wallet nya at para mag ayos na rin ng sarili dahil sobrang haggard na talaga nya sa loob palang ng kalahating araw. Maya maya ay pumasok si Lisa

“Yes Lisa?” ngumiti sya sa secretary ni Jerry

“Pinadala po ni Ser Jerry. Dito na lang daw po kayo kumain” inabot ang paper bag na may lamang lunch at dessert na sliced cake

I Never Knew Love 'til I found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon