Chapter 22

1.6K 49 7
                                    

*Knock!!**Knock!!!

 

 

“Oh babes! Akala ko hindi mo na bubuksan ang pinto eh.” Sabi ni Jerry habang papasok sa bahay ni Agnes

“Kung makakatok ka naman kasi halos masira na yung pintuan ko! Ano bang ginagawa mo dito ha?!!” Sabay upo ng padabog sa sofa

“Careful babes baka masaktan yung pwet mo. Hehehe!” Jerry

“Wala ako sa mood para sa mga biro mo. Umalis ka na nga lang!” nakasimangot sya pero hindi pa rin lumilingon kay Jerry

“Hindi mo pa nga ako pinapaupo pinapalayas mo na agad ako?” Jerry

Tumingin sya kay Jerry “Upo ka…” umupo naman ito “Ngayon nakaupo ka na di ba?” Agnes

“Yes babes!” nakangiti nitong sagot

“Tumayo ka na at lumayas ka na dito!” sabay ng pagturo nya sa pintuan

“Babes naman ano bang kasalanan ko???” Nagtatakang tanong ni Jerry

“Hindi mo alam?” Mataray nyang tanong

“Hindi…” Jerry

“Hindi mo talaga alam??!!!!” Nakapamewang na si Agnes ngayon at halos isang hibla nalang ang layo ng mukha nya kay Jerry

“K-kaya nga nag-nagtatanong eh” pilosopong sagot naman nito

“Pinipilosopo mo ako?” Pagbabantang tanong ni Agnes

“Hindi po babes.” : D sagot ni Jerry

“Mabuti.” Lumayo ng konti kay Agnes

“Bakit nga po babes?” Jerry

“Ganyan ka ba talaga Jerry? Gusto mo palagi na lang akong nagseselos sa secretary mo?!” sabay kagat ng labi dahil hindi nya naman dapat aaminin na nagseselos lang talaga sya kaya sya nagkakaganun.

“Aha! Hmmmm…” lumakad ng marahan palapit kay Agnes si Agnes naman unti unting humakbang paatras “Nagseselos ang babes ko? Bakit? Eh hindi ka naman dapat magselos?” bawat salita katumbas ng hakbang.

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now