Chapter 17

2K 44 3
                                    

 7:15 ng umaga ng dumating si Jerry sa condo ni Agnes. Nagdoorbell sya ng tatlong beses bago binuksan ni Agnes ang pinto. “Good Morning!” Bati ni Agnes kay Jerry

“Ready ka na?” Seryosong tanong ni Jerry

“10 minutes more please.” Ngumiti ito sa kanya

“Ok.” Nagtakip sya ng bibig at humikab

“Inaantok ka pa yata ah. Umidlip ka muna dyan.” Natatawang sabi nya kay Jerry

“Ang aga mo magpasundo eh.” Umupo sya sa sofa tapos ay pumikit muna

Eksaktong sampung minuto ang lumipas ng matapos mag ayos ng gamit nya si Agnes. Nakita nyang napapasarap na ang tulog ni Jerry sa sala kaya tinapik tapik nya ito.

“Let’s go na ba?” Habang nag pupungay pungay pa ang mga mata

“Oo tara na pero punasan mo muna yang laway mo. Hahaha!” Nauna ng lumabas si Agnes si Jerry naman pinunasan nga ang gilid ng bibig

“Wala namang laway ah!” Nakasimangot sya habang sumusunod palabas ng pinto

“Bilisan mo na ang bagal mo talaga.” Agnes Napapailing na lang si Jerry sa mood ni Agnes ngayon sa kanya. Dati kasi kulang na lang sipain sya nito para lumayo sa kanya pero ngayon….

“Hayst….” Jerry

In 30 minutes nasa opisina na sila.

“Good Morning sir! Good Morning ma’am!” bati ng isang empleyado

“Aga nyo ngayon sir ah…”

“Hahaha! Yung isa kasi dyan eh!” sabay tingin kay Agnes

“Ayaw mo yun mabilis kang matatapos.” Agnes Nang makapasok sila sa kanya kanyang opisina saka nagtanungan ang mga empleyado

“Hindi ka ba nagtataka hindi sila nag aaway?” Tanong nung isa

“Oo. Tapos nakangiti ngayon si Ma’am kay Sir! Sabay pa atang pumasok?” sagot nung isa pa

“Baka sinundo nya si Ma’am sa bahay kaya maaga sila pareho.” Singit nung isa

“Pero bagay sila. Yiiiieeeeh!” Sabat nung isa pa

“Oo nga pero magtrabaho na tayo baka mahuli pa tayong nagchichismisan.” At sabay sabay naman silang bumalik sa trabaho

-uUu-

“Good Morning beautiful!!!” masiglang bati ni Marc kay Agnes habang nakasilip ito sa pinto. Ngumiti naman si Agnes sa kanya tapos ay pumasok ito “Ang aga ata ni Jerry ah? Anong nakain kaya nun?” Marc

“Sabay kami eh.” Sagot ni Agnes habang nakatingin lang sa laptop nya

“Ah oo nakita ko nga. Nagkasabay kayo ng dating.” Sabi ni Marc na busy rin sa pagtingin sa mukha ni Agnes

“Nagpasundo ako sa kanya eh.” Diretso pa rin ang tingin sa ginagawa nya

“Sa kanya?” Marc

“Oo. Bakit may problema ba dun?” Agnes

“Bakit hindi na lang sakin mas malapit naman ang bahay ko kesa sa kanya?” Marc

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now