Chapter 21

1.7K 43 4
                                    

Isang araw ang lumipas ng maihatid nila si Angeli sa probinsya kinabukasan si Agnes naman ang bumalik sa condo nya sabi nya kasi kay Jerry aayusin pa nya ang mga gamit nya roon.

“Lisa…” tawag nya sa secretary nya

Lumapit naman ito agad at may ibinulong, si Lisa naman parang kilig na kilig sa pinagsasabi sa kanya ng boss nya.

Habang tawa sila ng tawa ay biglang dumating si Agnes at naabutan sila sa ganung eksena kaya nagalit ito at dinaanan lang silang dalawa.

“Marc! Sa office ko!” Agnes

Pagpasok nya sumunod si Marc kasunod si Jerry

“Jerry bakit nandito ka si Marc lang naman tinawag ko ah?!” sabi nya ng hindi tumitingin kay Jerry

“Hindi ka pa nga lumilingon alam mo ng nandito ako…” ngumiti sya at lumapit kay Agnes para sabay yakap dito at nung hahalikan nya ito sa labi ay umiwas ito sa kanya

“Ikaw lang naman ang gumagamit ng ganyang pabango dito eh.” Agnes

“Bakit umiiwas ka?” Jerry

“May pag uusapan kami ni Marc, mamaya nalang tayo mag usap.” Agnes

“Pwede namang nandito ako eh.” Umupo sa swivel chair ni Agnes

“Pre! Ako nga lang ang tinawag di ba?!” Marc

Magsasalita pa sana si Jerry pero naunahan sya ni Agnes

“Jerry please…” Agnes

Hindi na ito sumagot at lumabas na lang agad

“Problema ng asawa ko?” kinamot ang ulo “…siguro meron yun ngayon” dumeretso sa opisina.

“Anong pag uusapan natin?” tanong ni Marc

“Ha?” Agnes

“Anong ha? Di ba sabi mo kay Jerry may pag uusapan tayo gaano ba kaimportante yan at pinaalis mo pa ang syota mo?” Nangingiting tanong ulit ni Marc sa kanya

“Ah wala. Kukumustahin ko lang yung trabaho mo.” Agnes

“Ha? Ah….eh…. o-ok lang maganda naman ang pasok ng p-pera.” Marc

“Ah edi mabuti. Bakit pala lagi kang wala?” Agnes

“Kasi nga…ano…inaasikaso ko yung kay Mr. Dy alam mo namang malaking maitutulong nun sa business natin di ba?” Marc

“Ah” matipid nyang sagot

“Bakit ka naman malungkot? Nag aaway ba kayo ni Jerry?” Marc

“Hindi…” Agnes

“Agnes I know you. Hindi ka magiging ganyan ng walang dahilan.” Lumapit sya kay Agnes at hinawakan ang kamay nito “Tell me.”

“Huwag nalang natin dito pag usapan” Agnes

“San mo ba gusto?” Marc

“Somewhere na walang nakakaasar.” Agnes

“Labas tayo?” Marc

“Mabuti pa nga siguro” Agnes

Kinuha ni Marc ang gamit ni Agnes tapos ay nagpaalam kay Misty na mamasyal muna sila sandal at babalik agad

“Asan ang Mam mo?” tanong ni Jerry ng hindi nakita si Agnes

“Ay sir nag lunch out po kasama ni sir Marc” Misty

“Lunch out? Kasama si Marc? Imposible!” Jerry

“Eh sir totoo po dala pa nga po ni Sir Marc ang gamit ni Mam Agnes eh saka babalik daw po sila agad.” Misty

“Eh bakit hindi nagpaalam sakin?” Jerry

“Hindi ko po alam” Misty

Bumalik si Jerry sa office nya na namumula sag alit dahil hindi nagpaalam si Agnes na aalis ito at si Marc pa ang kasama. Sinubukan nya ring tawagan ito pero ni isa sa kanila walang sumasagot kaya minabuti nyang maghintay na lang na bumalik ang mga ito.

******

*Knock!!! Knock!!!

“Pasok!” Jerry

“Sir nandito na po sina mam.” Misty

Agad itong nagpunta sa office ni Agnes at nakita ang paghalik ni Marc sa pisngi nito bago umalis.

“San ka galing?!” galit nitong tanong

“Dyan lang.” kinuha ang face sized mirror at naglagay ng lips stick

“Apat na oras kayong wala dyan lang! San kayo nagpunta? Naglalagay ka pa ng lipstick! Bakit inubos ba ng lalaking yon ang lipstick mo kanina?” Jerry

“Ang sama naman ng utak mo! Kumain lang kami!” Agnes

“Eh bakit hindi ka nagpaalam?!!” Jerry

“Bakit kailangan pa ba?” Agnes

“Natural! Asawa mo ko eh!” Jerry

“Sana naisip mo yan bago ka makipaglandian sa secretary mo!” kinuha ang bag pati susi saka naglakad palabas pero hinawakan ni Jerry ang braso nya

“San ka na naman pupunta?!” Jerry

“Edi uuwi na! Bitaw nga!” lumabas at padabog na isinara ang pinto pero sumunod pa rin si Jerry at kahit naglalakad sila papuntang parking lot ay nagsisigawan pa rin sila at walang pakialam kung pagtinginan ng mga empleyado.

“Agnes! Tumigil ka nga sa paglalakad!” Jerry

“Tumigil ka sa pagsunod!” Agnes

“Bakit ikaw pa ‘tong nagagalit? Dapat nga ako eh. Eh ako pa ‘tong naghahabol ngayon!” Jerry

Tumigil sya sa paglalakad at hinarap si Jerry ng sampal

“What was that for?” Jerry

“Hindi ka na talaga nagbago! Hanggang ngayon babaero ka pa rin bwisit ka!” sumakay sa kotse nya, si Jerry naman katok ng katok sa bintana

“Agnes! Agnes! Mag usap muna tayo!” Jerry

Pero pinaharurot na ni Agnes ang kotse nya.

Ano ba kasing nagawa ko kanina para magalit sya ng ganun!

(Very very short update guys! Jusmiyo ngayon lang talaga nagkaroon ng oras. Sorry poooooo….)

I Never Knew Love 'til I found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon