Chapter 16

1.9K 40 4
                                    

Kinabukasan naunang nagising si Agnes at laking gulat nya ng makitang katabi nya si Jerry matulog at nakayakap ito sa kanya.

“Jerry?!!” niyugyog nya ng mahina sa balikat si Jerry hindi kasi makatayo dahil nakayakap ito sa kanya “Jerry!” Nagising rin naman ito agad

“Hmm?” Tumingin ito sa kanya at ngumiti “GoodMorning Agnes!” Pumikit ulit

“Huy! Wag ka ng pumikit dyan! Bakit ka nandito? Baka mamaya makita tayo ni Angeli kung ano pa isipin non!” Sigaw nya kay Jerry

“Bakit ako tinatanong mo? Ayaw mo kaya akong paalisin kagabi! Niyakap mo pa nga ako buti na lang una kong binuhat si Angeli kung hindi nasa kotse pa rin yun!” Jerry

“At hindi ka naman pumalag?!” Agnes

“Hoy! Pumalag ako. Pero niyakap mo ulit ako, pati paa mo niyakap mo sa binti ko. Sabi mo pa nga don’t go. Don’t leave me. Kaya hindi ako umalis at hindi talaga ako makakaalis sa higpit ng yakap mo!” Sabi nya habang nagpipigil ngumiti

“Ang dami mong sinasabi! Alis na! Lumabas ka na maliligo ako!” pero ngumiti lang ito sa kanya “Anong nginingiti ngiti mo dyan! Hindi na pwede yang iniisip mo! Alis na!” Sigaw nya ulit

“Pano ko aalis eh ang higpit ng yakap mo?” Tumingin naman si Agnes sa braso nyang nakayakap ng kay Jerry. Dahan dahan nyang inalis yun pero nagtaray pa din

“Alis na!” Agnes

“Sungit naman nito!” Tumayo at lumabas ng kwarto

Paglabas ni Jerry ay nagmadali syang maligo tapos ay inihanda ang mga kakailanganing dalhin pabalik sa manila. Pagkatapos ng kalahating oras ay natapos na rin sya at bumaba. Naabutan nya si Angeli na nakaupo kay Jerry at nakayupyop ang ulo sa balikat nito.

“Wag ng malungkot ang baby namin. Tatawagan ka lagi ng mommy mo.” Sabi ni Jerry habang hinahaplos sa buhok si Angeli

“Dapat tumawag ka din daddy na kita eh.” Humikbi

“Oo naman kahit minu-minuto pa kitang tatawagan.” Jerry

“Really dad?” Umayos ng upo

“Ofcourse. Matitiis ko ba ang baby ko? Syempre hindi.” Jerry

“How I wish you are my real daddy.” Yumakap ulit kay Jerry

Napangiti na lang si Agnes tapos ay lumapit sa anak nya na nakayakap pa rink ay Jerry

“Baby. Aalis na kami ha? Magpakabait ka. Parating na sina tita Amanda mo. Susunduin ka nya. Yung gamit mo ipaayos mo na lang muna kay yaya ha? Late ako nagising eh.” Hinalikan nya sa lips si Angeli.

“Bye mom. Bye dad!” Bumaba ito at yumakap sa mommy nya pati na rink ay Jerry

Pasakay na sana ng kotse si Agnes ng lumabas si Angeli.

“Mommy it’s safe if you ride in daddy’s car.” Angeli

“Jerry ok lang ba? Alam mo naman pag si Angeli hindi pwedeng tumanggi.” Tanong nito na medyo na a-awkward

“Oo naman. Ako na maglilipat ng gamit mo.” Kinuha ang bag ni Agnes at nilipat sa kotse nya

Sa kotse hindi maiwasan ang pagkailang ni Agnes panay kasi ang sulyap ni Jerry sa kanya. Kaya para syang yelong unti unting natutunaw.

“Bakit ok lang sayo na tinatawag kang daddy ni Angeli?” Tanong ni Agnes para mabawasan ang pagkailang nya

“Bakit naman hindi. Mabait naman yung anak mo eh. Makulit pero mabait naman at magalang at malambing. Parang ikaw, nung nagsasama pa tayo.” Jerry

“Yun lang?” Agnes

“Hindi naman mahirap mahalin si Angeli. Sana nga ako na lang talaga ang daddy nya.” Mahinang sabi ni Jerry

“Pano kung ikaw nga? Pano lang ha? Wag kang mag isip ng iba. Pano kung anak mo sya at ngayon mo lang malalaman? Magagalit ka ba?” Kinakabahan nyang tanong

“Bakit naman ako magagalit? Dapat nga thankful pa ako kasi sa kabila ng mga nangyare satin hindi mo dinamay ang bata.” Kampanteng sagot ni Jerry

Tahimik lang si Agnes

“Alam mo nakakahinayang din yung 2 years natin. Kung hindi na lang sana ako nagalit ng husto sa daddy mo baka hanggang ngayon magkasama pa rin tayo. Baka hindi nga lang isang Angeli ang magiging anak natin.” Tumawa ng mahina

“Sabi mo ayaw mong magkaanak sakin.” Tumingin kay Jerry

“Dala lang talaga ng maling galit Agnes, pero nung naghiwalay tayo yun ang pinakagagong nagawa ko. Nasa akin na ang pinakamaganda at pinakamabait na asawa sinaktan at pinakawalan ko pa.” Seryosong sabi ni Jerry

“Ahm..uh…nandito na pala tayo eh. Ako na lang ang magbababa ng gamit ko para makauwi ka na din. Salamat Jerry ah?” Bumaba na sya pero naunahan sya ni Jerry sa mga gamit nya.

“Ako na.” Jerry

“Pero….”

“Wag kang mag alala. Kahit malaman ko kung saang unit ka hindi kita kukulitin. Magpapaalam muna ako sa’yo bago ako bumisita.” Ngumiti sya kay Agnes

Si Agnes naman hindi nakapagsalita. Nauna na lang syang naglakad tapos ay sumunod na rin agad si Jerry. Narating nila ang unit ni Agnes. “Coffee?” Alok nya kay Jerry

“Hindi. Sa bahay na lang. Bye!” Hinalikan nya si Agnes sa pisngi tapos ay umalis na

“Ah Jerry!” Tawag nya sa may pinto

“Oh may nakalimutan ka pa sa kotse?” Jerry

“W-wala. Kita na lang tayo bukas.” Agnes

“Ah oo naman.” Tumalikod ulit at naglakad

“Jerry!” Tawag nya ulit

“Bakit?” Humarap ulit

“Pwede favor?” Ngumiti sya

Matatanggihan ko baa ng ganyang  ngiti “Ano yun?” tanong ni Jerry

“Pwedeng magpasundo bukas? Wala akong kotse eh. Iniwan natin di ba?!” Natawa naman silang pareho

“Ahm si Marc? Baka magalit pag nakitang sinundo kita.” Damn it Jerry! Bulong nya. Bakit pa kasi nya tinanong baka magbago pa isip ni Agnes

“Ah ok lang kung ayaw mo. Baka lang mas lalo syang magtaka kung bakit di kko nadala yung kotse. But its ok. Marami namang taxi dyan.” Pilit na ngumit

“Ah hin-hindi na. Susunduin na lang kita. Baka mamaya isumbong mo pa ako kay Angeli Hahaha!” Jerry

“7:30 ha?” Agnes

“Ok! See you tomorrow.” Bago sya tumalikod hinintay nya munang makapasok si Agnes baka kasi tawagin na naman sya nito.

Pagpasok nya ng elevator saka sya nagsalita.

“Ang aga naman ng 7:30?!!!”

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now