Chapter 4

1.7K 39 0
                                    

Ito na ang araw na pinakahihintay ni Don Felipe. Ang maikasal ang anak nya sa taong ang alam nya ay makabubuti para sa kanya.

“Ready ka na?” tanong nito sa anak nya

“Ready na” kahit na alam nyang nilalamig na ang kamay nya sa sobrang kaba at konti na lang maninigas na rin ang mga paa nya sa kinatatayuan nya.

Pero bago pa man mangyari yun bumukas na ang pinto ng simbahan kasunod ang pagtugtog ng “You are my song”. Mahaba habang lakarin ito para kay Agnes dahil masyadong Malaki ang simbahan.

Habang naglalakad sya hindi nya maintindihan ang kaba nya, kulang na lang lumabas ang puso nya at tumalbog mag-isa pero sa kabila ng lahat nakangiti sya kahit naguguluhan pa rin sya kung bakit mabilis nahulog ang loob nya kay Jerry. Love at first sight? Hindi nya alam. Basta isa lang ang sigurado nya, gusto nyang ikasal kay Jerry

Nakarating na sya sa kinatatayuan ni Jerry, pero hindi makatingin si Agnes ng deretso sa mata nito.

Nag umpisa na rin ang pari pero wala ni isa mang mapakinggan si Agnes dahil mas maingay pa ang pintig ng puso nya.

“Do you Agnes Ferrer take Jerry San Luis as your lawfully wedded husband?” tanong ng pari

 5 seconds..

4

Bakit ganun? Sigurado akong gusto kong pakasalan si Jerry pero parang hindi ako makapagsalita?

2

“I do” mahinang tugon nito

“Do you Jerry San Luis take Agnes Ferrer as your lawfully wedded wife?” tanong ng pari kay Jerry

“I do” Jerry

Pagkatapos ay isinuot na nila ang singsing sa isa’t isa.

**Kiss

Their first kiss.

Ang nangyari sa reception eh yung katulad lang din sa nangyare sa kasal nuon nina Amanda at Miguel bisita lang ang pinagkaiba dahil ang mga bisita nila nanggaling pa ng Maynila yung iba.

~~~

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now