Chapter 29

932 31 0
                                    




Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Nakarating sakin ang balita na bumalik na ng bansa si Marc. Sa sobrang takot ko na may gawing hindi maganda ang taong yon sa mag ina ko ay hindi ko na natapos ang meeting ko...

"Oh teka san ka pupunta hindi pa tapos ang meeting natin ah?" Sabi sakin ni Mr. Agustin ang isa sa tatlong investors na natira sa business namin. 

"I'm sorry sir pero emergency kasi---

Hindi pa ako tapos magpaliwanag kung bakit ako nagmamadali ay nagalit na sya at nagbitaw ng salita.

"Kapag umalis ka hindi ko pipirmahan ito!" Itinaas nya pa ang folder ng kontrata at inihampas sa mesa "...tandaan mo iilan na lang ang nagtyatyaga sa papalubog nyo ng kumpanya tapos iiwan mo pa ako dito?"

"Sir, kaya kong mawala kayo at ang kumpanya pero hindi ang mag ina ko!" Kinuha ko ang gamit ko at saka nagmadaling umalis.



"Agnes! Angeli!" Sigaw ko pero walang sumagot. Kaya agad kong inaakyat ang hagdan pero bago pa ako makapasok ay lumabas na si Angeli.

"Asan mommy mo?" Tanong ko

"Naggrocerypo. Bakit po may problema ba?" Angeli


"Wala" hinila ko na sya pababa ng hagdan 

"Dad san tayo pupunta baka hanapin tayo ni mommy eh." Reklamo nya 

"Susunduin na nga natin ang mommy mo. Wag ka ng makulit sumunod ka na lang!" Pero bigla na lang dumating si Agnes at napatingin samin habang hawak ang pinamili nya.





"Oh bakit? Anong nangyayare sa inyong mag ama dyan?" Sabi ni Agnes sabay halik sa pisngi namin ni Angeli



"Eh kasi si daddy nagpupumilit na sunduin ka." Sagot ni Angeli habang sinusundan ang mommy nya sa kusina para tulungan ayusin ang pinamili nito.

I Never Knew Love 'til I found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon