Chapter 30

885 47 6
                                    

"Haaaayyyy..." hihikab hikab pa si Agnes tapos ay nag inat atsaka yayakap sana sa asawa nya pero napansin nyang wala ito sa tabi nya kaya agad agad syang bumangon.

"Babes?" Tawag nya dito pero walang sumagot "babes? Where are you?" Tawag nya ulit sabay lapit sa pinto ng banyo sa kwarto nila "san kaya yun?" Nang mapansin nyang wala talaga ito sa kwarto ay nagpasya na syang bumaba para doon maghanap. Pero pagbaba nya nagtaka sya dahil habang papalapit sya ay parang may naririning syang sumisigaw kaya nagmadali syang lumapit sa maingay na lugar sa bahay nila at laking gulat nya ng bumungad sa kanya si Jerry na nakatayo lang sa may gilid at ang anak nila na yakap ni Marc habang may nakatutok na baril at walang tigil sa pag iyak.

Habang tahimik lang syang nakatingin sa mag ama nyang patuloy sa pagmamakaawa na wag silang saktan, ay patuloy din sya sa pagdasal at pag isip kung anong gagawin para makalabas sya at makahingi ng tulong na hindi mapapansin ni Marc. Malaki kasi ang chance na makita sya ni Marc pagtakbo nya dahil nasa sala ang mga ito.

"Marc kung may problema tayo please wag ang anak ko!" Sabi ng asawa ko.

"Daddy..." sabi,naman ng anak ko na walang tigil sa pag iyak habang tila nasasakal na sa pagyakap sa leeg nya ng walang hiyang Marc na yun.

Maya maya....

"MOMMY!!!!" Sigaw ni Angeli ng makita akong hawak na din sa buhok ng isang lalaki sabay tulak sakin papunta kay Jerry.

"Boss nakita ko nagtatago pa dun sa may hagdan eh!" Sabi nung tauhan ni Marc

"Tatakas ka pa huh!" Sabi ni Marc na ngising demonyo pa tapos ay sumenyas dun sa lalaking humila sakin maya maya biglang may pumasok na tatlo pang lalaki at kinandado lahat ng pinto at bintana.

"Ano bang kailangan mo samin Marc maraming pera na nga nakuha mo hindi ba?!!! Ano pa bang kailangan mo!" Sigaw ko sa kanya.

I Never Knew Love 'til I found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon