Chapter 5

1.7K 41 0
                                    

After 1 month

 

“Manang nakita mo ba si Jerry?” tanong ni Agnes sa mayordoma nila

“Umalis po eh, di na po kayo ginising” Manang

“Ah okey po. Tawagan ko na lang” Agnes

~~~

Pumunta muna si Agnes sa kwarto nila ni Jerry dahil nandun yung cellphone nya..

**Phone rings

Inangat ang unan ni Jerry

“Hindi na nga nagpaalam iniwan pa ang cellphone!” Agnes

Palagi na lang ganun ang nangyayare.. gigising syang wala sa tabi nya si Jerry, tapos yung cellphone iiwan sa higaan. Pag tinanong naman nya kung saan galing ang laging sagot lang “Business matters”

“San ka na naman nanggaling?!” pagalit nitong tanong kay Jerry na kakapasok lang sa pinto

“Sa office san pa ba sa akala mo?” Jerry

“Sa office? Tumawag ako dun ang sabi wala ka! Sinong niloko mo?!!!” Agnes

“Wala akong ginagawang masama!!” sabay pasok sa banyo

“Kung wala bakit kailangan lagi mong iwan ang cellphone mo?” Sabi nya sa may pintuan ng banyo

“Lagi kasing may meetings sa mga clients’ kaya ayoko ng istorbo!” lumabas ng banyo at dumeretso sa higaan at nagtalukbong ng kumot

“Sige naiintindihan ko yan! Kelangan rin bang iwan ang wedding ring kapag aalis ka ng bahay?!!!” Agnes

Inalis ang kumot, kinuha ang singsing

“O yan sinuot ko na! Happy?!” Jerry

“Hindi sapat na sinuot mo lang ipaliwanag mo sakin kung bakit mo yan tinatanggal!!” Agnes

“Pwede ba Agnes ayoko nang makipagtalo…” Jerry

“Ayaw mong makipagtalo? Oh ayaw mong malaman ng mga dalaga mong kliyente na may asawa ka na?” Agnes

Humarap sa kanya si Jerry na kanina ay nakatalikod ng higa sa kanya..

“Oh ano? Siguro ayaw mo talagang mala HMMMM------” hindi na sya natapos magsalita dahil hinalikan na sya ni Jerry gaya ng lagi nitong ginagawa kapag ayaw nya ng makipagtalo…at ang halik na yun lang ang nakakapagpatigil at nakakapagpahinahon kay Agnes

“Ikaw lang ang babae ko, naintindihan mo ba.” Jerry

“Isuot mo na kasi yung wedding ring mo” mahinahong sabi ni Agnes

“Ito na nga oh nakasuot na.. oh..” pinakita pa nya ang kamay nya

“Ang sinasabi ko palagi mong isuot!” Agnes

“Oh tinataasan mo na naman ang boses mo… wala nga akong babae..” halik sa pisngi

“Fine. Nagdinner ka na ba?” tanong nito kay Jerry

“Paano akong kakain eh sinalubong mo ako ng sigaw?” Jerry

“Sorry…sorry babes…” kiss sa pisngi

“Selosa ka pala noh?” Jerry

“So?” tumayo na sila pareho para pumunta sa kusina

“Cute ka pala pag nagseselos ka” Jerry

“Kalahating taon na tayong nagsasama ngayon mo lang napansin yan?” Agnes

“At six months na tayong nagsasama wala pa rin tayong anak…” Jerry

Dahil dun biglang nawala ang ngiti sa labi ni Agnes

“Sorry Jerry ha?” Agnes

“Bakit ka nagsosorry?” Jerry

“Kasi hanggang ngayon hindi pa ako nabubuntis” Agnes

“Hindi mo naman kasalan yun. At saka hindi naman tayo titigil hangga’t hindi tayo nakakabuo di ba? Wag kang mawalan ng pag asa magkakaanak tayo. We just have to wait kung kelan sya mabuo.” Jerry

Dahil dun hindi tuloy nya maiwasang mag isip ng kung ano ano… pano kung may makitang babae si Jerry na mabibigyan sya ng anak agad?

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now