Chapter 27

1.1K 48 5
                                    

After 3 months, masaya naman kami ng pamilya ko. Kahit na dumarating ang oras na mag away kami ni Jerry dahil sa hindi pagkakaintindihan naaayos din naman. Syempre kahit anong pilit namin na hindi mag away eh hindi talaga mapigilan. Sabi nga nila normal na sa mag asawa yon saka wala daw thrill ang pagsasama kung puro na lang lambingan masaya daw kung may konting tampuhan bago maglambingan dun mo daw kasi makikita ang effort ng partner mo. Katulad ngayon.

"Mommy, nag -away na naman ba kayo ni daddy kanina?"  tanong ni Angeli

Nakasandal ako sa pintuan sa sala namin at napabuntong hininga muna ako bago masagot ang anak ko.

"Hindi kasi maiwasan anak eh." Naupo ako sa sofa sinundan naman ako ni Angeli.

"Ma,normal sa mag asawa ang magaway MINSAN. Ma, "minsan" lang hindi palagi." napayuko na lang ako tapos nagsalita ulit sya. "Let me guess.... time, work or babae ang pinagawayan nyo?" Seryoso syang tumingin sakin.

"The third one." Tipid kong sagot

Nakita kong nalungkot ang anak ko sa sagot ko kadalasan kasi pag nagtatanong sya kung anong pinagtalunan namin ng daddy nya oras at trabaho ang isinasagot ko kahit na minsan eh babae o selos lang ang dahilan.

"May...may babae si dad? Niloko ka na naman nya?!!!" Sasagot pa sana ako kaya lang nakatakbo na sya paakyat. Hinayaan ko na lang muna sya.

Inubos ko muna ang wine ko bago pumunta sa kwarto. Napatigil ako ng makita ko si Jerry na lumabas sa kwarto ni Angeli tumingin sya sakin ng masama bago pumasok sa kwarto namin. Nabigla ako ng isara nya ng malakas ang pinto kaya naman padabog akong sumunod sa kanya.

"Ikaw pa ngayon ang galit!" Isinara ko din ng malakas ang pinto. Humarap naman sya sakin na galit na galit

"Agnes wag mo naman akong siraan sa anak ko!! Wala akong ginagawang masama!" Sigaw nya sakin

"Hindi kita sinisiraan. Oo sinabi ko ngang babae ang dahilan but after she heard it she ran upstairs that's why I wouldn't be able to explain!" Sigaw ko din sa kanya nakakainis kasi.

"Hirap sayo puro ka bintang! Ilang milyong beses ko pa ba kailangan paulit ulit na wala nga akong ibang babae bukod sa inyong mag ina ko wala akong ginagawang masama! Pinuntahan ko si Ysabelle dahil may dinner meeting ako with her father! Ngayon sumama ang pakiramdam ng daddy nya kaya sya ang nakipag meeting sakin malayko bang ganun ang mangyayare! Sya ang humawak sa kamay ko hindi ako!" Naglakad sya palabas

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now