Chapter 15

1.9K 45 2
                                    

“Jerry, Angeli ready na kayo?” tanong ni Agnes sa dalawa

“Mas ready pa sayo mommy! Hahaha!” Angeli

“Ikaw talaga! Nahahawa ka na talaga sa fake daddy mo!” Sabay irap nguso at irap ni Agnes

“Magiging real daddy mo din ako.” Bulong ni Jerry kay Angeli. Tumawa naman ang bata

“Tara na pinagsasabi mo na naman dyan! Hahaha!” sabi ni Agnes

Tapos ay sumakay sila sa kotse ni Jerry. Oo sa kotse ni Jerry. Tapos si Agnes at Angeli nasa harapan pareho. Nagpunta sila sa pinakamalapit na mall.

Ipinamili nila si Angeli ng mga damit at laruan. Tapos ay biglang tumakbo si Angeli ng may makita syang t-shirt…

“Angeli?!! Madapa ka! Agnes hawakan mo muna ‘tong iba. Ako na hahabol, sumunod ka na lang.” tapos ay tumakbo na sya.

Naabutan naman nya si Angeli na may kinakausap na sales lady. “Miss pasensya na ha?” sabi ni Jerry

“Ok lang po ser. Tinatanong nya po kung magkano yung damit na yun!”  tinuro nung saleslady ang tatlong t-shirt

“Jerry ano daw yun?” biglang sumulpot si Agnes sa likuran

“Gusto daw yung tshirt!” tinuro nya din kay Agnes yung damit

“Mommy. Gusto ko yun. Please…” Nagcrossed fingers pa sya

“Miss pwede bang bilhin yung pambata lang?” Tanong ni Agnes

“Naku mam package po kasi yun eh.” Sabi nung saleslady

“Baby, bawal daw eh.” Sabi ni Jerry pero ang totoo gusto nya din yung tshirt

“Hmp!!!” Angeli

“Sige na bilihin ko na yang tatlo.” Napangiti naman sina Angeli at Jerry dahil sa ginawa ni Agnes. Kahit na napilitan lamang ito. Paano ba naman kasi, gusot na gusot na ang mukha ni Angeli.

“Mommy. Suot natin please.” Pacute na naman si Angeli

“Pero baby…” Agnes

“Angeli wag ng makulit please?” Jerry

“Isusuot lang naman eh!” Pumadyak pa si Angeli at sumimangot

“Oo na po. Isuot na natin. Ok? Tara na CR!” Agnes

Paglabas nila. Pare-pareho nga sila ng damit. Habang naglalakad sila buhat buhat ni Jerry si Angeli na masayang masaya at cute na cute na suot nila. Nang biglang makasalubong nila ang pamilya ni Amanda.

“Angeli!!!” Napatigil si Andrea ng ibaba ni Jerry si Angeli “Wow! Ang cute nyo naman family shirt. Mommy, daddy, I want!!!” Andrea

Ang suot nila? Simple lang naman.

Kay Agnes – Mommy Love

Kay Jerry – Sweet Daddy

Kay Angeli – Baby Dear

(Nakita ko sa mall eh XD)

“Ah sure baby. San nyo nabili yan?” tanong ni Amanda

“Sa malapit sa foodcourt. Di ko natingnan si Angeli kasi eh.” Sagot naman ni Agnes

“Let’s go! Mommy, daddy!” Hinila na sila ni Andrea

“See mommy sabi ko sayo cute tayong tingnan eh ^_^” Angeli. Binuhat ulit sya ni Jerry

“Oo na.” Pinisil nya na lang ang ilong ni Angeli. Medyo malapit ang mukha nilang tatlo sa isa’t isa.

“Ka-kain muna tayo bago tayo umuwi?” Tanong ni Jerry

“Jollibeeeeee!!!!” Sigaw ni Angeli

“Opo! Hahaha!” Jerry

Pagkatapos nilang kumain. Dumeretso na sila ng uwi dahil gabi na rin. Nakatulog naman sina Agnes at Angeli sa kotse.

“Agnes… Angeli? Gising na nandito na tayo.” Sabi ni Jerry.

Niyugyog nya ng konti si Agnes pero hindi ito magising. Pati si Angeli ay tulo mantika. Kaya naman naisip nyang buhatin na lang ang mga ito. Pero bago nya ginawa yun ay kinuhaan muna nya ng picture ang mag ina. Ang cute kasi ng mga itong matulog habang kalong ni Agnes si Angeli.

Si Angeli ang unang binuhat ni Jerry. Pagkatapos ay yung mga pinamili nila. Akala nya pagbalik nya sa kotse ay gising na si Agnes pero tulog pa rin ito. Kaya binuhat na lang din nya at dinala sa kwarto nito. Dahan dahan nyang ihiniga si Agnes at unti unti rin syang tumatayo pero bigla syang niyakap nito kaya napadapa sya bigla. Sinubukan nya ulit tumayo ng dahan dahan pero nagsalita si Agnes

“Dito ka lang…” Tiningnan nya si Agnes pero nakapikit pa rin ito

“Hanggang ngayon nagsasalita ka pa rin kahit tulog.” Napatawa sya ng mahina at unti unti uling tumayo ng ipatong ni Agnes ang paa nya sa binti ni Jerry

“Please don’t go…. Don’t leave me” Mahinang sabi ni Agnes.

Parang namagnet naman si Jerry at natigilan sa pagtayo. Humiga sya ng maayos sa tabi ni Agnes at hinaplos ang buhok nito.

“Sana kahit gising ka ganyan ka pa rin sakin. Pero kahit itaboy mo ako ng itaboy babalik-balikan pa rin kita.” Hinalikan nya sa noo si Agnes tapos ay pumikit na.

 Beri beri lyt ud! ^_^

I Never Knew Love 'til I found YouWhere stories live. Discover now