Chapter 25

1.7K 52 16
                                    

**Honeymoon part 2**

Medj SPG. Medj lang naman dre!

 

 

Nagising si Jerry na wala sa tabi ang asawa nya kaya dali dali syang bumaba at nakita ang asawa nyang nagluluto, agad naman nya itong niyakap sa likod.

“Babes gising ka na pala.” Nakangiti sya habang patuloy na nagluluto

“Uhm” yung lang ang lumabas sa bibig nya habang hinahalikan sa leeg si Agnes

Hinalikan nya sa pisngi habang umaakyat ang kamay sa dibdib ni Agnes. Hinawakan naman ni Agnes ang kamay ni Jerry at nang mahawakan na ng asawa ang dibdib nya ay biglang…

“Oooppsss!!! Mamaya na yan.” Malambing na sabi nito sabay tawa ng mahina

Hinarap naman sya ni Jerry na may halong pagkadismaya.

“Babes?!” Sabi ni Jerry na nakasimangot

“Babes, may pasok ka pa. Tayo. May pasok pa tayo eh mamaya na lang pag uwi natin.” Nakangiting sabi ni Agnes habang nakapulupot sa sa may batok ni Jerry ang kamay nito.

“Sige na nga lang!” tumalikod ito at naupo na “gutom na ko!” nakasimagot pa rin kaya napailing na lang si Agnes habang pinaghahanda ng pagkain si Jerry.

“Bakit ka ba nakangiti?!” mataray na tanong nito sa asawa nya

“Eh pano kasi…” kinurot ang ilong ni Jerry “…yung asawa ko parang batang nagtatampo. Hahaha!” sagot ni Agnes sabay inom ng kape

Hindi na ito nagsalita pa at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Pagkatapos ay umakyat na ito at naligo habang nagliligpit si Agnes sa kusina. Kalahating oras pa ang lumipas ng umakyat na rin si Agnes para maligo sakto namang kalalabas lang ng banyo ni Jerry kaya hindi na sya naghintay.

Paglabas ng banyo ni Agnes ay nakabihis na si Jerry nakita nya itong nahihirapan na ayusin ang neck tie sa harap ng salamin kaya lumapit sya rito.

“Ako na…” pagkatapos ay inayos na nya ang tie nito.

I Never Knew Love 'til I found YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin