Chapter 14

1.8K 45 3
                                    

**Knock! **knock!!

Mabilis naman na binuksan ni Agnes ang pinto. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman nya sa pagdating ng ate Amanda nya.

“Ate! Miguel! Hi, Andrea!” nakipag beso beso sya sa tatlo

“Bakit parang kinakabahan ka ata?” Amanda

“Hindi naman ah. Masaya nga ako eh na nandito na kayo.” Sagot ni Agnes na nagpipilit ngumiti

“Hahahaha! Daddy ako na naman nanalo!!!” sigaw ni Angeli

“Sino yun? Si Angeli ba yun? Sinong tinatawag nyang daddy?” tanong ni Miguel

“Ah….Si Jerry nandito!” sabi ni Agnes sabay lagay ng kamay sa noo nya

“Ano?!!! Nakipagbalikan ka kay Jerry?!!” Medyo napalakas ang boses ni Amanda dahil sa pagkabigla

“Hindi ate wag ka namang sumigaw oh…” pigil ni Agnes

“Paanong hindi ako sisigaw eh bumigay ka na naman kay Jerry!” Amanda

“Hindi pa….” Agnes

“Hindi pa? So, pinaplano mo ngang bumalik sa asawa mong anak ng dilim?” Amanda

“Hindi! Pwede makinig muna kayo?” nanahimik naman sina Amanda at Miguel “Andrea, puntahan mo na si Angeli…” sumunod naman si Andrea “Si Angeli ang nagpapunta sa kanya dito nagulat nga rin ako eh. Wala naman akong magawa baka magtampo si Angeli pero hindi naman nila alam na mag ama sila eh.” Paliwanag ni Agnes

“Pano naman sya nakilala ng anak mo?” Miguel

“Naiwan ko yung phone ko sa table ni Jerry kaya yun pinakialaman agad at nakuha ang number ko, ang alam nya nga anak nyo si Angeli eh, kaya lang nung tumawag sakin si Angeli ang nakasagot kaya nalaman nyang anak ko si Angeli. Tapos nung gabi na hiniram ni Angeli yung phone ko akala ko naman maglalaro lang yun pala tinext si Jerry gusto nya daw makilala!” Dugtong nya pa

I Never Knew Love 'til I found YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin