Chapter 11

1.7K 44 1
                                    

“Asan si Agnes bakit wala pa sa office?” tanong ni Jerry kay Lisa ang secretary nya

“Hindi pa po dumadating.” Lisa

“Eh si Marc?” Jerry

“Ayan na po pala sila magkasabay dumating?” Lisa

“Tsk! Magkatabi lang ng opisina may pa beso beso pa parang hindi nagkikita” bulong nito

“Ano ho yun Sir?” Lisa

“Wala! Sabihin mo kay Agnes hinihintay ko yung final files sa yellow folders! Sabihin mo sya mismo ang magdala sakin!” Jerry

~~~~

Knock! Knock!

“Mr. San Luis” Agnes

“Yes? Mrs. San Luis?” Jerry

“Jerry pwede ba wag mo ko umpisahan?! Ang aga aga bina-bad mood mo ko!” Agnes

“Sino ba nag umpisa? Ikaw ang tumawag sakin ng Mr. San Luis eh.” Jerry

“Eh anong gusto mong itawag ko sayo MS. SAN LUIS?” Agnes

“Oo na! Panalo ka na, akina yung folder.” Jerry

“Hindi pa tapos eh.” Agnes

“Anong hindi pa tapos? Nung isang araw pa yun ah. Puro kase pakikipag-date eh!” Jerry

“Baka nakakalimutan mo pareho tayong presidente dito! Dapat pareho nating ginagawa ‘tong trabahong ‘to hindi yung inaasa mo lang sakin!” Agnes

“Lisa!” Sigaw ni Jerry

“Yes, Sir?” Lisa

“Kunin mo yung laptop ni Agnes dalhin mo dito sa opisina ko pati yung charger.” Jerry

“Opo” Lisa

“Bakit mo kinukuha yung laptop ko anong gagamitin ko sa trabaho ko, paano ko tatapusin ‘to!” Agnes

“Ang sabi mopareho tayong presidente ng kumpanya kaya dapat tayong dalawa ang gumagawa nito!” inagaw nya yung files kay Agnes at binagsak sa table nya

“Sir, ito na po” Lisa

“Salamat” Jerry

“Nakakainis ka talaga! Dun ako sa office ko ayoko dito!” kukunin na nya ang laptop nya pero inagaw yun ni Jerry

“Tatapusin natin ‘to dito! Pag dun ka sa office mo hindi mo matatapos yan, baka magkwentuhan lang kayo ng patpat mong Vice President, palagi pa namang nasa opisina mo yun!” Jerry

“Ayoko nga dito eh!” Agnes

“Tigilan mo na yang pagka-isip bata mo Agnes!” Jerry

“Hindi ako nag-iisip bata baka ikaw!” Agnes

“Ano sa tingin mo ginagawa mo?! Dito ka magtatrabaho sa opisina hanggang sa matapos natin ito! Period!” Jerry

Sa buong maghapon nya sa opisina ni Jerry, hinding-hindi sya naging kampante kahit isang Segundo lang. pakiramdam nya bawat kilos nya tinitingnan ni Jerry lalo na at nasa harap nya ito. Isa lang kasi ang table kaya no choice kundi magtapatan silang dalawa, kaya naman ng lunch break na halos manginig ang kamay nya pagsubo ng pagkain. Parang pinapanood kasi sya nito.

“Tapos na yung part ko, akina USB mo i-co-copy ko na agad sa’yo.” Agnes

“Ambilis mo naman.” Jerry

“Hindi kasi ako nagsosolitaire habang nagtatrabaho eh.” Agnes

“Bakit sino bang nagsosolitaire?” Jerry

“Yung computer mo naglarong mag-isa nung lumabas ka -___-” Agnes

“O!” inabot ang USB “Yabang mo porke tapos ka na!” Jerry

“>.<” inagaw nya ang Usb kay Jerry tapos lumabas sya, pero bumalik din agad kasi naiwan nya yung phone nya buti na lang at hindi nakita ni Jerry.

-PAGDATING NYA SA BAHAY BIGLANG TUMUNOG ANG CELLPHONE NYA-

-Cno to?

“Ha? Sino daw ako eh sya kaya unang nagtext!Cno ka din? Kaw nagtext bigla eh” Agnes

-hindi ikw nauna, ngaun ko lng nkta. Blnk messge eh! Sino kb?

-hindi nga kta tnext! Cnu kb?

-tnext m nga ako eh kulit!

-haha ikaw mkulit!

-mas lalo ka na!

-ewn ko sayo bye!

-w8 papakilala na ako…

-ok who is this I’m talking to?!

Hindi agad nakareply, lumipas muna ang limang minute bago nakapagpakilala sa kanya ang katext nya.

-Si Jerry ako. J

“Jerry? Sinasabi ko na eh pinakialaman ang cellphone ko eh!” Agnes

-pkialamero k tlga nuh! Naiwan lng sandali nkuha mo na number ko!

-txtm8 lang nmn,hngng txt ngsusungit k? ngiti namn jan oh…ayieeeh..

-heh! Ewan wag k ng magreply!nava-virus ung inbox ko!

Pero ang totoo nangiti sya nang mabasa nyang “ngiti naman jan” hindi na lang din sya nagreply ng magtext ulit ito sa kanya. Tinawagan na lang nya ang anak na dalawang linggo na nyang hindi nakakasama. Pagkatapos ay natulog na din ito dahil kailangan maaga syang pumasok para sa presentation na gagawin nya at ni Jerry kinabukasan.

I Never Knew Love 'til I found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon