PROLOGUE

66 3 0
                                    

Sabi nila enjoyable daw ang magkaroon ng love life. Bakit kaya noh?

mabait

Masayahin

Maganda

Sexy.

At famous.

Ayan ako, pero hindi yan ang rason para magkaroon ako ng lovelife.

Oo, aaminin ko, ako yung tipo ng estudyante na madaming crush, at mahilig ako sa lalaki, kahit mga simpleng bagay lang kinagigiliwan ko.

Pero kahit na ganyan ako, loyal ako sa isang tao, loyal ako sa lalaking sobra kong mahal, yung lalaking naging dahilan, kung bakit araw-araw pumapasok ako ng may mga ngiti sa labi.

Yung lalaki na  kaya kong isakripisyo lahat, para mapasa-akin, at mapasaya ko siya. Yung lalaki na nagparealize sa akin, kung sino ako, at kung gaano ako kahalaga dito sa mundo.

Pero ang masakit lang, siya yung lalaki na hindi ako kayang mahalin  never akong mamahalin. At never siyang mapapasa-akin.

Kahit na dumating pa yung lalaking kaya akong mahalin, siya pa din ang nasa puso at isip ko. Hindi ko siya kayang bitawan. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

At yung lalaking yun siya yung naging dahilan, kung bakit wala akong love life hanggang ngayon.

Dahil gusto ko, kapag nagkaroon ako ng love life, siya ang gusto kong makasama. Gusto ko kapag nagmahal ako siya lang, at gusto kong siya ang dahilan kung bakit ako iiyak at masasaktan.

Kahit anong mangyari, siya lang. Hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Mahal na mahal ko siya.

Akala ko sapat ng mahal ko siya, pero hindi pala. Dahil sa pagiging martyr ko hindi ko namamalayan na may tao din palang kaya akong mahalin, yung taong kayang suklian yung pagmamahal na binibigay ko sa lalaking hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin.

Ni hindi ko man na-appreciate yung effort niya, ni wala man lang akong kaalam-alam na mahal niya ako, at may taong kayang pahalagahan yung nararamdaman ko.

Tanga lang siguro ako, dahil benalewala ko lang lahat yun. Yung mga bagay na akala kong wala namang halaga pero meron pala.

Masakit mang isipin, pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko.

Siguro nga, wala talagang naitadhana para sa akin. Kasi halos lahat sila binabalewala ko na lang.

Sana, mapatawad niya ako. Sana mahalin pa din niya ako. At sana kahiy sa huling pagkakataon masabi ko man lang kung gaano ko siya kamahal.

(A/N)

Cast:
RED VELVET SEULGI- Diane Escota
EXO D.O.- Mark Fuentes
EXO CHANYEOL- Troy Dela Cruz

"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now