Chapter 14-Little Confession

9 3 0
                                    

Dedicated to tiffanjane


Sana magustuhan mo ang chapter na ito..Thank you for voting my story sa Season 1 ng book na ito (OTDWH). You should vote the season 2 if you want.. MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA PAG-SUPORTA NG AKING KWENTO...



KAMSHAMNIDA!!☆☆☆




-------------------------------------------





Konti nalang talaga uupakan ko na yung Warren na yun kahit babae pa ako! Bwiset! Ilang beses ko na nga siyang binalaan na huwag sasaktan si Cheska eh tapos ano na naman to!? Argh!!! Kung pwede lang sana ako na mismo ang magsasabi kay Warren tungkol sa nararamdaman ni Cheska!

Kanina ko pa pinapatahan si Cheska pero mukhang kailangan niyang makapag-isip kaya hinayaan ko nalang muna sa kwarto at naghanda nalang ako ng pagkain. Habang nagluluto ako ng Noodles bigla nalang nag-vibrate ang phone ko.

Mark ♥ 📞

Inayos ko muna ang boses ko bago ko sinagot ang tawag niya..hehehe!

"Hello Mark! Napatawag ka?"

Kinikilig na me!!!

(Ah! Yeah..Can we meet?)

Minsan deritsahan din si Mark eh kaya nagugulat nalang ako minsan.

"Ngayon ba?"

(Yup...Ok lang ba sayo?)

"Ok.."

(Wait for me, I'll pick you up.)

At inend na niya yung tawag. Anong nakain nun at gusto makipag-kita sa akin? Hehehee! Kinikikig na me!!

Papunta na sana ako sa kwarto ni Cheska ng biglang may nag-door bell. Ang bilis naman yata ni Mark, wala pa ngang 2 minuto eh.

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Warren. Isasara ko sana ulit yung pinto kaso pinigilan niya ako.

"I want to talk to her." Disperado niyang saad.

"Gusto muna niyang mapag-isa Warren kaya hayaan mo muna---------"

"Please." Mahina niyang saad kaya napatigil ako. Kilala ko si Warren, minsan lang yan mag-please kaya alam na alam mo kung seryoso siya at gano niya ka-gustong makuha ang isang bagay.

Agad ko namang tinungo ang kwarto ko kung nasaan si Cheska. Mukhang busy sa pag-sketch.

"Cheska, sinusundo ka ni Warren." Saad ko.

"Ha??!!" Gulat niyang sagot, hindi na ako magtataka pa kung ganyan ang reaksiyon ng kaibigan ko.

"Kausapin mo na kaya, kanina pa nagpupumilit. Baka sirain niya yung gate." Napa-isip naman si Cheska. Kahit na sobra akong naiinis kay Warren, gusto kong makapag-usap na sila ni Cheska dahil ayokong nakikitang nahihirapan si Cheska.

"Napaka-gulo niyo kasi." Frustrated kong saad, naguluhan naman siya kaya napa-kibit balikat nalang ako habang pababa ng hagdan.

Hindi na ako lumapit pa kila Cheska at hinayaan ko nalang silang mag-usap ni Warren. Agad namang tumalikod si Cheska.

"I will talk to him, kukunin ko lang yung gamit ko."

Saad niya. Nilapitan ko naman si Warren.

"Papalampasin ko tong ginawa mo ngayon Warren dahil kapag naulit pa to, bilang kaibigan ni Cheska ako mismo ang maglalayo sa kanya sayo. Pasalamat ka mahal ka ng kaibigan ko." Mahina kong saad sa huli kong litanya.

"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now