Chapter 33- Birthday Party

4 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kapag ang panahon lumipas, ang oras, araw, minuto o segundo man yan aasahan mong may magbabago't magbabago. Mamaya andiyan ka lang nandoon ka na pala, Mahal mo ngayon tapos maya-maya iiwan ka din pala pero sa bawat pagbabago na nagaganap sa paglipas ng kahit konting panahon lang malalaman mo ang kahalagahan ng isang bagay. Malalaman mo kung ano ang mga bagay na dapat noon pa lang nalaman at naunawaan mo na, at the same time andun at andun yung pakiramdam na parang nagsisisi ka, masaya ka, yung down na down ka na pero pilit ka pa ding lumalaban dahil may pinanghahawakan kang inspirasyon, prinsipyo at pangako dahilan ng pagbabago't pagbangon mo.




DIANE'S POV


Ang drama ni Author oh! Hahahaha! Well, andito nga pala ako sa condo nila Warren at kasama ko si Cheska ngayon..Wala sila Warren dahil mag-kasama sila nung kaibigan niya dahil busy kami sa paghahanda para sa birthday party ni Mark at ngayon yun. Nafa-frustrate na nga ako dahil wala talaga akong maisip na gift para kay Mark, eh excited pa man din ako.Buti na nga lang at nandito si Cheska eh at dahil sa kanya alam ko na ang ibibigay ko sa kanya..




I'm so exsoyted na!! Wohooo! Kaya ko ba ito? Habang busy ako sa pag-iisip bigla nalang akong tinawag ni Cheska na lalabas na daw kami. Baka nasa labas na sila Warren..








Paglabas namin bumungad sa amin si Warren na Cool na naka-earphone, parang hindi man lang kami napansin ni Cheska. As usual naman.




"Your so gorgeous Cheska." Napatingin ako sa nagsalita and it was him, Troy. Napatingin siya sa akin pero agad din siyang umiwas, anyare? Bakit naiinis ako? Argh! Bwiset! Nakakainis!








"Tara na." Saad niya muli ng nakangiti habang nakatingin kay Cheska kaya namn pumasok na kami sa kotse.






Bakit ba lagi akong ganito sa tuwing nakakasama ko si Troy? Naiinis talaga ako. At the same time may iba akong nararamdaman. Bubuksan ko na sana yung phone ko ng mapatingin ako sa rare mirror at hindi ko inaasahang magtatama ang mga mata namin.. Parang na-kuryente ako. Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya na parang napako na akong tingnan siya. Sh*t! No! Alam ko pinagtri-tripan na naman niya ako nito..Gaya ng dati..Troy Dela Cruz yan eh, ano pa bang aasahan mo sa kanya.








Nag-focus nalang ako sa phone ko and after a hour nakarating din kami sa bahay nila Mark..Nandito ka palang sa labas halata mo ng malaki ang bahay nila, mansion kumbaga..Pagka-park namin sa parking lot bumbaba kami kaagad. Konti lang ang mga bisita, halos mga kaibigan ni Grandma, wahahaha! Tyaka yung mga ibang classmates din namin. May malaking pool din sa gitna tapos sa malaking garden malapit sa pwesto namin ngayon ay nandoon ang mga bisita at makukulay na mga ilaw at mga mesa.. Ang daming ilaw ng bahay nila Mark, baka doble ang laki ng bahay nila compared Sa amin..








"Diane! " Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko, nagpalinga-linga ako pero wala akong makita kaya naman hinayaan ko na kaso maglalakad na sana ako ng may tumakip sa mata ko. Who's this? Familiar scent. Napangiti ako.








"Mark." Saad ko kaya naman tinanggal niya ang pagkakapiring ko at humarap sa akin, at nang makita ko siya napatigil ako.
Si Mark ba talaga ang kaharap ko? Bakit ang gwapo niya?







"I said don't look at me like that.a re you comparing me again?" Naka-pout niyang saad, waaaaaahhh! Mark! Huwag ka ngang ganyan!









"Eh? N-no.., your j-just h-handsome.." Sagot ko at gumuhit sa labi niya ang ngiti at lumapit siya sa akin, malapit na malapit na akala ko hahalikan na niya ako pero hindi pala dahil may ibubulong lang na ikinatigil ko.










"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now