Chapter 23- Someone's Confession

5 1 0
                                    

Kahit pa Casanova si Troy nagpapasalamat nalang ako dahil naligtas ako sa apat na subjects namin. Hay naku! Paano ba naman kasi dahil sa pagbabasa ko ng Kiss Breaker nakaligtaan ko ng may klase pa pala ako. Ni hindi man lang sinabi ni Troy, naalala ko nalang na isa pala siyang dakilang Casanova na libangan ang mag-cutting classes. Isama mo pa ang librarian na hindi man lang ako na-inform na oras na pala ng klase.

"Paano yan Troy, anong gagawin ko? Hindi ko napasukan yung 4 subjects?" Hindi ko mapakaling saad sa kanya, andito kami ngayon sa Gym habang siya cool lang na nagshoo-shoot ng bola.


"First time mo bang mag-cut parang ikakamatay mo naman!" Cool niyang sagot, hello? Sanay na kaya siyang hindi pumapasok, kamusta naman ako na hindi na nga pumapasok last week dahil lang sa Final Game tapos ngayon naman dahil lang sa pagbabasa ng libro? Hello!!! Lagot ako niyan kila Mommy at Daddy kapag nalaman nila ang tungkol dito.



"Kaya pala, kanina pa kayo hinahanap andito lang pala ang dalawang love birds." Mapang-asar na saad ni Autumn, matapos kaming matalo kahapon ngayon lang ito nagpakita at wala man lang pakealam dun?!



"Bakit masama?" Saad naman ni Troy sabay akbay sa akin, mukhang nairita naman si Autumn sa ginawa ni Troy.


"Hindi talaga ako nagkamali sayo Troy.. Kakaiba din ang taste mo." Saad niya kaya tinanggal ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Troy dahilan para mapatingin siya sa akin.


"Buhay ka pa pala." Mapang-asar kong saad sa kanya pero nakangisi lang siya.

"As always Diane, eh yung best friend mo na Fiancee ng Ex ko? Kamusta? BUHAY pa ba?" Mapang-asar niyang sago at talagang ipagdiinan pa ang 'BUHAY', demonyita talaga ang babaeng ito.


Magsasalita sana ako ng lumapit si Troy sa kanya.

"Stop this Autumn or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. I can tell everything." Mapang-asar na saad niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Autumn, ngayon ko lang nakita ang ganyang tingin niya at hindi mo gugustuhin kung ikaw ang titingnan niya.



Kinuha ni Troy ang hawak ni Autumn na papel sabay hila sa akin sa kung saan, napatigil naman ako ng may mapansin akong babaeng naka-all black sa may locker.


"What?" Saad ni Troy kaya napailing nalang ako.

SOMEONE'S 2 POV

May paakbay-akbay pa talagang nalalaman si Troy ah at eto namang haliparot na babaeng to, pa-hard to get pa eh gustong gusto naman niya. Buti nalang talaga andiyan si Autumn dahil kung wala siya wala na talaga akong pag-asa na makuha ko ang sa akin.


Mukhang napansin ako ni Diane kaya naman nagtago kaagad ako sa gilid ng locker kaya hindi niya ako gaanong napansin. Paano ba naman kasi ako mapapansin eh invisible lang naman ako sa iba! At sa taong may hawak ng kamay niya!

Dapat ako yun eh! Dapat kamay ko ang hawak niya! Mas lalo lang tuloy akong ginaganahang isagawa ang plano ko. Magbabayad ka Bitch! Pagbabayaran mo g inagaw mo sa akin ang taong mahal ko!

DIANE'S POV

"Kailan ka pa natutong mag-cutting classes Ms. Escota? At ikaw naman Mr. Dela Cruz anong rason mo?"

"Ah kasi po ma-------------"

"Don't answer me with the same reason Mr. Dela Cruz, the Final Game was done." Na-speechless kami bigla ni Troy dahil sa pag-iba ng aura ni Ms. Grace.



"Can't you---------------"


"Grandma." Napatingin kami sa bukas na pinto at bigla nalang bumilis ang hearth beat ko. Bakit ang gwapo niya?


"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now