Chapter 11- End of the Deal

10 2 0
                                    

DIANE

"Good Morning Bestfriend!" Masaya kong bati kay Cheska, mukhang hindi na naman maipinta ang mukha niya. Tsk. Hindi na ako magtataka pa kung bakit, malamang dahil lang naman sa nangyari kahapon. Baka LQ kasi sila ng Warren niya. Haha!



"Good Morning, teka ang aga mo naman yatang naka-outfit?" Tanong niya habang tinitingnan ako pataas pababa.



"May practice kami ngayon eh, ilang days nalang final game na." Sagot ko naman. Kung si Cheska Study Hard syempre ako naman nagpapakihirap sa pag-balance at isama mo pa ang sakir na dinadanas ko sa hita after ng practice.




"So, pati sila warren may practice?" Luh! Parang wala naman tong alam sa Fiancee niya. LQ pa din ba?



"Yeah, hindi ba niya nasabi sayo?"


"Nope." Tipid niyang sagot, halata ang lungkot sa mukha niya. Hay naku! Kung ako lang ang nasa kalagayan ng kaibigan ko, hindi ko alam kung makakapag-tiis pa ba ako kagaya niya. Iba kasi talaga ang nagagawa kung mahal mo ang isang tao.





"Cheska, ok ka lang?" Tanong ko, dahil mukhang napatigil na siya.


"Ah, yeah. Sige na alis ka na baka malate ka pa sa practice niyo." Ipagtabuyan daw ba ako. Naglakad na nga ako papalayo at nalasalubong ko si Marfiel. Mukhang may hinahanap.




"Fiel!" Tawag ko sa kanya, para namang nabunutan siya ng tinik.




"Hay naku diane! Kanina pa kita hinahanap." Mukhang napagod nga siya dahil bakas ang hingal niya at pawis din siya.




"Bakit? May problema ba?"



"Wala naman. Pero kasi kailangan na nating mag-simula sa practice." Sagot naman niya at nagsimula na nga kaming maglakad papuntang gym. Pagkadating palang namin doon, bumungad kaagad sa amin ang talbog ng bola at sigaw ng mga Cheer dancers sa kabilang side ng stage.



"Ang gwapo talaga ni Zachk, pero mas gwapo si troy. Hihihi!" Kinikilig na sambit ni marfiel habang nakangiting nakatingin sa court. Tss. Gwapo nga, napaka-sama naman ng ugali.





"Uyy! Ikaw ah! Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako nakahandusay dito." Napapitlag naman ako bigla. Bwiset talaga to kahit kailan!  Sa halip na makipag-talo pa ako sa kanya inirapan ko nalang siya at dumiretso ng stage kaso bago pa man ako makapaglakad bigla nalang niya akong hinila sa hindi ko malamang lugar.



"Ano ba! Troy! Bitawan mo nga ako!" Pinipilit kong bawiin yung kamay ko sa kanya pero hindi ko yun maagaw. Naparahimik nalang ako ng isandal niya ako sa pader. Ano na naman bang kahibangan to Dela Cruz.






"Hindi ka talaga matinong kausap noh?" Seryoso at ma-awtoridad niyang saad. Ano bang pinagsasabi nito.



"Ano na naman bang gusto mo troy?" Nakakainis na kasi eh! Sarap ipatapon sa Saudi para mawalan ng ulo!




"Ilang beses akong nag-text sayo, wala ka man lang reply, kahit tawag ko wala kang balak sagutin. Anong trip mo?" Seryoso niyang saad.




"Hindi naman yun big deal ah! Tyaka isa pa kausap ko si Mark-----------"




"WTF! Diane! Bakit ba lagi nalang si Mark? Si mark nalang lagi mong bukam-bibig! Pwede bang kahit minsan naman pansinin mo naman ako! Pansinin mo naman si TROY DELA CRUZ!" Iritado niyang sagot. Bakit naman siya naiinis na ganyan, sa halip na mainis ako parang natutuwa pa ako, hindi ko nga mintindihan ang sarili ko eh, baliw lang.






"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now