Chapter 2- Second Kiss/Slap

10 2 0
                                    

Lagi nalang akong mag-isa.Simula pagkabata yaya ko na ang nangangalaga sa akin. Once a month ko nalang yata nakikita yung mga parents ko eh. Para bang mas mahalaga na sa kanila ang business kaysa sa akin.

Pero ayokong isipin yun dahil mahal ko sila at alam ko na mahal nila ako. Actually nasanay naman akong laging mag-isa eh. Parehas kami ng kaibigan ko, lumaki din siyang hindi niya kasama yung parents niya ang pagkaka-iba nga lang may tunatayo pa din siyang mga magulang.

Pero ok lang naman, masaya naman ako eh. At least nagagawa ko kung ano yung gusto ko.

*beep*

Dali-dali kong kinuha yung phone ko sa bulsa ko at bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni.....Basta.

Good Morning♥

May pa-heart heart pang nalalaman. Sakyan na nga natin.

Good Morning din♥

Asan ka ngayon??

Nasa school lang naman.- ako

Kita tayo....-siya

Sorry. May practice kasi kami ngayon eh:(

Ok...Next time nalang. Ingat ka ha..사랑해.♥:*

Hindi ko na nereplayan. Anong akala sa akin ng lalaking to? Hindi marunong magbasa ng Korean. ABA! May pa-i love you, i love you pa siya nalalaman eh hindi naman gwapo. Dahil sa inis ko dinelete ko na yung no. Niya.

dahil sa dami ng naka-phonebook na no. Sa phone ko hindi ko na alam kung sino yung mga katext ko. Halos puro lalaki.

Sa pagkukulikot ko sa phone ko bigla nalang akong napatigil dahil sa natatanaw kong lalaki. Ang lakas talaga ng radar ko sa mga gwapo, especially sa Ultimate Crush ko.

MARK FUENTES

at teka nga..... Kilala niya yung nakasabay ko kahapon sa bookstore. Ano na kasing pangalan??

TROY DELA CRUZ

Yung isa din sa mga member ng Basketball. Magka-ibigan kaya sila?

"Sorry miss" Muntik ko ng mahulog phone ko dahil sa bumangga sa akin. Siya lang naman ang nag-iisang Troy Dela Cruz ng St. VIllage.

Nilingon ko siya pero nagpatuloy na sila sa paglalakad. Aish! Bastos! Sisigawan ko sana kaso nakakahiya naman kay mark diba??

Nagulat naman ako bigla ng lumingon si Mark at.  Really?? Nginitian niya ako. Yung Heart shape niyang ngiti.....sa pagkakaalam ko minsan lang yun gawin at... sa akin ginawa niya. Pwede na bang mahimatay..

"Diane!!!!"

Kahit kailan talaga, hindi mawawala ang mga EPAL sa mundo..ng linguni ko kung sino ang tumawag sa akin..Ang kaisa-isa ko lang namang kaibigan si Cheska.

kung ako sobrang hilig sa lalaki. Eto namang kaibigan ko, haters yata ng mg  lalaki specially mga GWAPONG LALAKI. kaya siguro hindi niya kilala ang hari ng campus at mga campus heartthrob, kahit naman kasi ipakilala ko, wala naman siyang interes eh.

"Bakit? Ano na namang problema mo?" masungit kong tanong sa kanya, binigay naman niya sa akin yung mga 10 pages ng bond paper.

"Paki-pass nalang sa science subject natin..may gagawin pa kasi ako sa library eh..thanks.." hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at tumkbo na siya palayo.

Argh! Pasalamat talaga siya at mabait ako at kaibigan ko siya. Naglakad na ako papuntang classroom at sympre pinagtitinginan na naman ako. Sanay na ako, dahil maganda ako at famous..at sympre ako na ang cheer leader. Wala naman kasing panaman sa akin si Autumn eh.. if you know her sa story nila cheska.

Siya ang dating leader,kaso dahil sa kalupitan pinalitan siya at ako lang naman ang mgandang pinalit.

Pagpasok ko sa classroom, halos lahat ng mga lalaki nakatingin na naman sa akin. Iba talaga ang maganda. Kaso isang lalaki lang yata ang hindi natatamaan at naaakit sa kagandahan ko eh at yun si mark.

"Hello..." bati sa akin ni troy..so kaklase ko pala ang ugok na ito. Aish! Hindi ko man lang napansin agad ang presence niya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Sa halip umupo nalang ako sa upuan ko. Napa-woah pa yung mga kaklase ko dahil sa ginawa kong pag-snob kay troy. Siya lang naman kasi ang kaisa-isang gwapong hindi ko type.

Nag-beep, ang phone ko at tinignan ko kung sino yun.

From: Teacher Gail

Practice now...

Hindi na ako nag-reply at agad ng nagtungo sa gym. Hindi na ako nagpaalam sa teacher namin dahil for sure na-excuse na ako ni teacher gail. Teacher namin sa MAPEH at siya din ang head ng MAPEH DEPARTMENT. siya ang nagtuturo ng cheer dance sa amin.

Habang busy ako sa paglalakad, bigla nalang may nanghila sa akin sa isang sulok at sa pagkakaalam ko. Isa tong bakanteng room.

ng maidilat ko ang mga mata ko. Nakita konsi troy na slbrang lapit ng mukha sa akin. Anong balak niyang gawin.

"Troy! Bitawan mo nga ako.." at nagpupumilit akong makawala kaso mas hinihigpitan lang niya abg pagkakahawak niya.

"So, kilala mo pala ako..stalker ba kita??" Ang kapal talaga ng lalakit to. Akala ba niya nakalimutan ko na yung ginawa niya sa mall.

"Ang kapal talaga ng muka mo!!" Sigaw ko sa kanya..

"Bitawan mo nga ako!! Troy!" Pilit akong kumakawala kaso ayaw talaga niyang bumitaw.

"Eh kung ayoko" pang-aasar niya.

"Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa  mo sa akin sa mall??! " pagtataray ko sa kanya, pero siya naman wala lang.

"i see. Hindi mo talaga malilimutan yun...You want some?? Then let me ki---------" inipon ko lahat ng lakas ko at kumawala ako sa kanya.

After kong kumawala sa kanya..sinampal ko siya, at halata kong nasaktan siya dun. Well bagay lang sa kanya yan.

"Alam mo bang proud ako sa sarili ko. Dahil ako ang FIRST KISS MO." nang-gigigil na talaga ako sa kanya. Nagpipigil lang ako.

"Well..ako din proud sa sarili ko... dahil ako ang naunang babaeng SUMAMPAL SAYO! At gusto kong sabihin na proud ako sa sarili ko na ako ang kauna-unahang babaeng magre-reject sayo.."

"MR. TROY DELA CRUZ, I REJECTED YOU SO PLEASE STOP FLIRTING WITH ME." Aalis na sana ako sa hilain niya ako sa braso at isinandal sa pader, napa-aray naman ako dahil sa ginawa niya.

"Anong karapatan mong i-reject at sampalin ako??" Mahinahon lang ang pagkakasabi niya, pero halata mong nagpipigil lang siya ng galit. Never ko pa siyang nakitang nagalit.. at nakakatakot pala.

"Bitawa-----------" naputol ang sasabihin ko, ng bigla nalang niya akong halikan..sobrang diin. Pilit kong kumakawala pero mas hinihila lang niya ang waist ko..hindi ko mapigilan ang sarili ko at ng magtagal, tinugon ko din ang halik na yun.

Hindi ko namamalayan, tumutulo na pala ang luha ko. Si troy ang unang kunawala sa halik..

"Ayan ang huwag na huwag mong gagawin...ang umiyak sa harapan ko." At umalis na siya sa harapan ko, pero nagsalita siya ulit.

"I'm not flirting with you...Dahil kung ginagawa ko man yun sana noon palang ginawa na kitang isa sa mga babae ko" at doon umalis na siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ginawa ko yun, ang tanga ko para tugunin ang halik na yun..ano nalang ang sasabihin niya sa akin??

Pero anong ibig niyang sabihin sa last na sinabi niya? Palabas na ako sa bakanteng room ng makasalubong ko si cheska. Mukhang nagulat pa siya, kaya tinakpan ko kaagad yung mukha ko, kaya siya hinila ako papuntang park..sa loob lang ng campus yang park ah.

"Explain this."

Halos manlaki ang mata ko, dahil sa nakita ko..

"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now