Chapter 12- Date with the Man I Like

16 2 0
                                    

Dedicated to Gummy_93

  Sana magustuhan mo.  Thank you for voting my story,  lalo na sa season one ng book na ito (OTDWH). Thank you for your full support.. KAMSAHAMNIDA. MARAMING SALAMAT NG MARAMI......MAHAL KO KAYO READERS!!

-------------------------------------------------

"Are you ok? "

Tanong sa akin ni Mark habang naglalakad kami sa Mall. Hindi ko maiwasang mainis lalo na sa mga babaeng madaanan lang namin akala mo naman kung sino makapagpantasya dito sa kasama ko. Kung pwede ko lang sanang ipagsigawan na akin lang siya eh. Malamang kanina ko pa ginawa.

"Eh?" Napatigil ako sa paglalakad at ngayon nasa harapan ko na si Mark. Oh! Ano trip nito?

"Don't mind them.. Ikaw ang kasama ko." Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa sinabi niya feeling ko na-speechless ako dun. Naku! Nangangamatis na naman ang mukha ko, nakakahiya naman.

Pagkadating namim sa Sinehan si mark na ang bumili ng ticket para sa amin. Naku! Dapat lang, siya nag-aya eh. Hahaha! Sa susunod na lumabas kami ni mark try ko ngang sabihing mag-mask siya para naman hindi siya masyadong attractive sa paningin ng iba. Para tuloy invisible ako tuwing kasama niya.

Pagkapasok namim sa Sinehan pumunta na din kami sa upuan, medyo nasa taas kami para naman hindi gaanong nakakangawit. Limang minuto lang ang nakalipas at pinatay na din yung ilaw. Tunog pa lang nakakatakot na.

"Mark, hindi ka ba n-natatakot?"

Medyo nanginginig na tanong ko sa kanya, para kasing wala lang sa kanya. Halos mawalan na ako ng boses pati yung ibang nanonood tapos siya wala lang.

"Hindi." Tipid niyamg sagot sabay kuha ng pop corn yung hawak ko. Ayan na naman yung tunog...napatakip ako sa mukha ko at dahan-dahang sumilip at pagkabukas ng mga palad ko bigla nalang lumabas yung Madre...

"Waaaaaaaaaaaaaahhhh!! Mama!!!!!"

Halos mapaos na ako. Hindi ko namamalayan sa pagsigaw ko napayakap na pala ako kay mark. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya, kahit yung liwang lang ng screen bakit gwapo pa din siya.. Dahan-dahan niyang inilapit yung mukha niya at kontin nalang dadampi na.....i-pupush ko na ito------

"Waaaaaaaaaaaaaahhhhh!!" Nabulabog kami pati yung ibang tao napatingin sa may likuran namin dahil sa sumigaw. Bakla yata. Ano ba yan! Si ate  naman panira! Moment na nami to eh! Sinira pa. Hay naku! Sabunutan ko kaya siya. Epal nakakainis! Konti nalang eh.

"Hahaha, mukhang may tumutol." Nakangisi niyang saad. Naguluhan naman ako bigla sa sinabi niya. Huwag lang niyang sabihin na yung bakla yung tumutol. Pati ba naman bading hinahabol si Mark. Hay! Naku!

Pagkalabas namin ng sinehan halos mapaoa na ako, eto namang kasama ko patawa-tawa lang. Parang ginusto pa niya eh. Ewan ko ba kung nag-enjoy siyang manood kasi naman wala man lang siyang naging reaction kanina.

"Arcade tayo?" Nakangiti niyang saad at hinila na niya ako papunta dun sa Arcade.

"Mark, hindi ako marunong niyan eh. Ikaw nalang pagche-cheer nalang kita." Saad ko sa kanya, kasi naman basketball na naman daw ang gusto buti sana kung kasama ko si Cheska.

"Sige na diane. Pleeeeeeease.! " para lang siyang bata. Nagpout pa ang loko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. Kaya pumayag na lang din ako.

"Ang matalo magbabayad." Saad niya sabay dribble bung bola.

"Eh? Magbabayad?" Tumango nalang siya na may kakaibang ngisi sa mukha. Ayan na naman ang mga kabayong nagtatakbuhan sa aking puso.

Shoot dito. Shoot diyan.

"Why Did I Fall In Love?" Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora