Chapter 6-Dinner

5 1 0
                                    

Dahil sa inis ko hindi na ako dumiretsong field dahil for sure hindi ako makakapag-turo ng maayos ngayon at isa pa baka kung ano pa ang isipin ng mga members ko. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko buti nalang naniwala naman sila.

Habang inis akong naglalakad papunta sana ako sa canteen para magtambay muna. Madami kasing tao ngayon sa park. Pagdating ko sa canteen hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng ibang mga studyante.

"Totoo ba yung sinasabi ni Autumn?" Nagpantig ang mga tainga ko ng marinig ko ang pangalan niya.

"Yun bang tungkol sa fiancee ni Warren?" Fiancee ni Warren?? Si cheska. Kunwari busy ako sa phone ko pero ang totoo nakikinig ako sa usapan nila.

"Si Cheska Fuentaberde, yung binigyan niya ng punishment sa loob ng 120 days." Kailan ba talga magtitino si Autumn at kailangan niyang ikalat ang bagay na yun. For sure insecure na naman siya.

"Sabi ni Autumn arrange lang daw sila at isa pa hindi naman talaga gusto ni Warrren si Cheska dahil hanggang ngayon si Autumn pa din." Ang kapal talaga ng mukha ni Autumn para sabihin niya yun.

"Tyaka isa pa, inarrange lang naman sila dahil sa pagka-kautang ng Kompanya ng Fuentaberde sa Lein." Ang dami talagang chismosa..dahil hindi na ako nakapag-pigil nilapitan ko yung grupo ng mga babaeng chismosa, napatingin namam sila sa akin ng makalapit ako.

"Wala ba kayong ibang mapag-usapan at ang kaibigan ko ang ginawa niyong topic? Sa oras na malaman kong i-chismis niyo ang bagay na tungkol sa kaibigan ko at sa lalaking pinagpapantasyahan niyo ako mismo ang magpapa-kick out sa inyo." Mukhang natakot naman sila kaya napayuko nalang sila at umalis. Akala ko lalamig na ang ulo ko pero hindi pa pala dahil mas lalo lang akong nainis.

Napapikit nalang ako ng mariin. Kailan ba magtitino si Autumn?

Sa halip na tumambay ako sa canteen pumunta nalang ako sa likod ng campus. At doon ko naabutan ang taong kanina ko pa gustong sabunutan.

"Autumn!" Agad naman siyang napatingin sa akin pati ang mga kaibigan niya.

"Speaking of the bitch." Maniniwala na sana ako na ako ang topic nila kaso may 'BITCH' eh kaya malinaw na SIYA ang usapan nila.

"Ano na naman bang balak mo!? At pati ang kaibigan ko dinadamay mo?!" Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko.

"Easy sis..." Nakakadiring marinig siyang tawagin akong 'sis'

"Gusto ko lang naman kunin ang pagmamay-ari ko" mataray niyang sagot. Tsk. Ako lang ang may karapatang mag-taray pwede ba!

"Tsk. Pagmamay-ari?? Sino? Si warren ba ang tinutukoy mo? Sorry bitch but he's the fiancee of my bestfriend wala ka ng magagawa dun!" Balik na pagsusungit ko sa kanya. Mukhang nainis naman siya.

"Fiancee nga niya pero wala naman silang gusto sa isat-isa...so i have the rights para kunin ang sa akin." Napakatigas talaga ng bitch na ito.

"That's what you think bitch.....you don't know what  they really feel..." Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Huwag mo ng pilitin kung ayaw sayo..Hindi naman kasi talaga seryoso sayo yung tao DATI." Enemphasize ko pa yung 'dati' para tagos hanggang puso.

"How dare--------------" sasampalin na sana niya ako kaya napapikit nalang ako, hinintay kong may dumamping palad sa pisngi ko pero wala kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at doon ko nakita ang kamay na pumipigil sa palad ni autumn.

"Don't you dare touch her." Kalmado pero ma-otoridad na sabi niya...nakatingin lang ako sa seryoso niyang mukha habang nakatingin kay Autumn.

"Don't tell me troy pati ikaw na-gayuma ng babaeng yan."  Hindi ko alam kung maiinis ba ako kay Autumn. Parang gusto ko din siyang sampalin..

"Why Did I Fall In Love?" Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum