Chapter 3-Walang kang Pakealam

11 1 0
                                    

"C-cheska a-ano to??" Nanginginig kong tanong sa kanya. Siya naman diretso lang ang tingin sa akin.

"Ako dapat ang magtanong niyan diane." Masungit niyang tanong.

"Kaya ba ikaw ang leader ng cheer dance ngayon dahil pinagbantaan mo si autumn??" Natatawa ako dahil sa nakikita at naririnig ko. Grabe talaga kadisperada si autumn.

"Eh ikaw cheska naniniwala ka ba?" Seryoso kong tanong sa kanya. hinawakan niya ang magkabila kong kamay.

"Syempre hindi, kilala ko si autumn. Diane nag-aalala lang ako sayo dahil sure ako na kalat na yan sa buong campus." Nakita ko ang awa sa mata ni cheska. Ayoko ng kinakaawaan ako kaya naman hinarap ko siya.

"So?? Kahit anong gawin ni autumn hindi niya ako mapapaalis sa pwesto ko. Akala niya siya lang meron ha pwes ako meron din." Tumayo ako at naramdaman ko ang pagkabahala ni cheska. Iba talaga ako kapag nagagalit at higit sa lahat ayoko ng nada-down ako.

"Diane! Ano bang balak mong gawin?!!" Pagpipigil sa akin ni cheska pero patuloy lang ako sa paglakad.

Nakarinig ako ng isang familiar na boses kaya pinuntahan ko kung saan yun. Ng makatapat ako sa classroom ng mga bitch agad akong pumasok. Wala akong pakealam kahit ano pang mangyari.

"Diane!" Halos lahat napatigil at napatingin sa akin.

"Huwag mo akong pigilan cheska. Magtuturo lang naman ako." At agad kong nilapitan ang taong dahilan kung bakit ako nag-aapoy ng galit ngayon.

"Nandito ka ba para humingi ng tawad? Ano ka ba naman diane, ok lang yun. Pinapatawad na kita tutal naman----------"

*Pak*

"At sa tingin mo gagawin kong humingi ng tawad sayo?? Mukhang magiging CHEAP lang ang dating kung gagawin ko yun.." kalmado kong sagot, halata namang nainis siya.

"Porket ikaw lang ang leader ngayon, akala mo na kung sino kang umasta." Tumayo na siya sa kinauupuan niya at hinarap ako.

"Matapang ka na ngayon ha." Tinaasan pa ako ng kilay..aba! nakikipagtarayan ha..sige.

"Diane!" Hindi ko pinansin si cheska.

"Oh! Kasama mo pala ang malandi mong kaibigan.." dahil sa sinabi niya, hindi na ako nakapagtiis at itinulak ko na siya dahilan para mpaupo siya.

"Huwag mong baliktarin ang lahat autumn dahil ang malandi para lang yun sayo.." Tatalikod na sana ako ng muli siyang magsalita.

"akala mo nanalo ka na?? Tsk. Maghintay ka diane makikita rin ng Mapeh dept. Ang ginawa mong pagmamalupit." So desperate.

"Pagmamalupit?? Tsk. Kayong lahat na nandito makinig kayo. Hindi ako ang nagmamalupit dito dahil si Autumn yun.."

"Asan ang ebidensya??" Tanong nung isang alipores niya. Yun pala ang gusto niyo.

"See this??" Pinakita ko yung pasa at scratch ko sa likod..

"Don't tell me autumn hindi ikaw ang may gawa nito..Dahil madaming nakakita." Nakatingin lang siya sa akin habang nanginginig sa galit.

Nagbulungan naman yung mga tao sa room.

"Ma'am diane." Lumapit sa akin yung isang member ng cheer dance.

"Call me diane. Hindi ako si autum  na pa-special." At matapos yun umalis na ako dun. Nasa akin pa din ang huling halakhak.

"Diane, bakit mo naman ginawa yun??" Iritadong sabi ni cheska. Ayaw talaga ng kaibigan ko ang nakikipag-away ako.

"Best friend,tama lang yun sa kanya..Sinungaling kasi." Sabi ko naman.

"may practice pa kami..Una na ako ha." Tumango nalang siya bilang sagot.

"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now