Chapter 10- Truth or Dare

15 2 0
                                    

DIANE

Maaga akong pumasok ngayon. Napansin ko lang kasi maaga din pumapasok si Mark compare naman kay Troy...a-ano?? Bakit ba siya na naman ang iniisip ko. Hoy walang malisya yun ah!! Sadyang naiinis lang talaga ako.

Pagpasok ko palang sa classroom bumungad kaagad sa akin ang mukha ni Troy. Trip nito?
Mukhang hindi pa yata nakontento dahil sinundan pa niya ako. Umupo siya sa upuan ni Mark. Wala pala sila ngayon. Sino bang may gawa ng Writing Contest na yan ha!!



"Wala si Mark kasama niya si Cheska." Mukhang nabasa naman ni Troy yung iniisip ko.

"I know." Sabay irap ko sa kanya. Hindi ko naman tinatanong nagsasalita. Feeling close itong Dela Cruz na ito.


"Diane! Alam ba ni Mark na gusto mo siya??" Mapang-asar na tanong sa akin ni Troy habang nakangisi. Parang may hindi magandang binabalak ang lalaking to.




"Its none of your business Dela Cruz!" Sagot ko naman sa kanya.

"Come on! Sabihin mo na! O baka naman gusto mo na ako na mismo ang magsabi sa kanya." Hindi pa din naaalis ang mga ngiti sa labi niya. Bwiset!


"Stop teasing me Troy hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag. Ako na naman ba ang talo?



"Tsk. Huwag ako ang pagbantaan mo Diane, mas hindi mo magugustuhan ang gagawin ko " bigla nalang akong napakuyom dahil sa kanya. Alam kong kaya akong ipahiya ni Troy sa lahat. Alam kong kaya niyang ipagkalat in one minute na patay na patay ako kah Mark.


"Fine! Oo. Gusto ko siya! Gustong Gusto. Happy Now??" Sarcastic kong sagot. Bigla namang sumeryoso yung mukha niya. Anyare?


"Hahahahahaaha!!" Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa. Napatingin ako sa mga classmates kong kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. Napayuko nalang ako sabay hila ko kay Troy. Dinala ko siya sa may Garden. Wala namang masyadong tao.



"Bakit ba kailangan pa akong hilain?? Just tell me if you want to date me." Nakangisi niyang sabi. Wala na talagang maisip na matino ang ponyetang to.



"Troy! I'm not playing with you! Ok? Ano bang problema mo?!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. Nakatingin lang siya sa akin.




"Answer me again Diane...." Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Are you serious about Mark??" Desperado niyang tanong. Hindi pa ba halata. Unamin na nga ako diba.


"Yes..I'm serious that i like him...what's the big deal Troy?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.



"As i expected..." Walang emosyon niyang sagot.

"But.....what if i tell to everyone that your deeply in love with Mark Fuentes??" Makahulugan niyang tanong na may mga mapang-asar na ngiti sa labi.



"Stop playing with me Troy.  That's not funny. " pagbabanta ko sa kanya pero binalewala lang niya yun at lumapit sa akin.




"Then be my Girlfriend." Seryoso niyang sagot. Laglag ang balikat ko at napanganga ako dahil sa sinabi niya.. Ako?? Magiging Girlfriend niya??


"Hell No!!!" Sagot ko sa kanya, aalis na sana ako ng hilain niya ang braso ko.

"No??? Then i will tell to everyone about your feelings with Mark. Alam kong alam mo na kaya kong gawin yun." Mukhang nagbabanta pa siya. Tyaka ko lang napagtanto na ginawa lang niyang pangblack-mail sa akin yung pag-amin ko. Bigla akong nagsisi. Bakit pa kasi may Troy Dela Cruz na nage-exist dito sa mundo??





"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now