Chapter 19- WINNER & LOSER

8 3 0
                                    

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang pinakahihintay na laro ng St. Village High at St. Xavier High. Lahat ay nangangamba at kinakabahan kahit na hindi pa man nagsisimula ang naturang laro. Busy sa paghahanda ang mga Varsity Players at todo  naman ang paghahanda ng mga members ng Fans Club para sa mga pinagkakaguluhan nilang MVP at ibang member ng Varsity ng St Village.

Hindi naman magkamayaw ang paghahanda ng mga Cheer dancers sa kani-kanilang pag-aayos at mga damit na susuotin.

DIANE'S POV

"Guys!! Ready na ba ang lahat?!" Sabay clap ko.

"Ok na lahat, si Autumn at Marfiel nalang ang kulang." Napabuntong-hininga naman ako dahil sa sinabi ni Claris. Dinial ko kaagad ang number ni Marfiel para alamin ang kalagayan niya. Buti nalang at sinagot niya kaagad.

"Hello Fiel, makakapunta ka ba ngayon?"

(I'm not sure kung makakapunta ako kaagad diyan dahil nagpa-check up pa kasi kami eh.)

"Ganun ba, kung masama pa ang pakiramdam mo, mas magandang magpahinga ka nalang muna, ok?"

(Thanks diane.)

At inend ko na ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako.

"Andiyan na si Autumn!"

Sigaw ni Xian, member ng cheer dancers. Napatingin ang lahat sa taas noong si Autumn papasok sa pintuan ng classroom. Tss..

"Buti naman nakadating ka Autumn!" Masayang bati sa kanya ni Xian, halata naman sa lalaking ito na gusto niya si Autumn. Kawawa nga lang itong si Xian kung sakali.

"Pwede bang mawala ang DATING LEADER? Parang ako pa nga ang LEADER eh dahil kung wala ako for sure na malaki ang pag-asa ng St. Xavier ngayong final." Talagang ipagdiinin pa niya ang Leader, tss..napatingin sila sa akin at ako naman kunwaring walang narinig. Bahala siya sa buhay niya, mahirap pumatol sa taong baliw.

"Guys! Tara na baka mahuli pa tayo!" Halos kami ang center ng daanan ngayon dahil lahat ng mga makikita naming studyante kahit nagmamadali sila napapatingin sila sa amin. Well, ako ang nag-isip ng design ng costume namin, sumang-ayon naman ang lahat dahil komportable naman sila.

Pagkapasok namin sa Gym, bumungad kaagad sa amin ang madaming studyante na nakaupo na sa mga upuan nila, mukhang wala pa ang mga varsity players, dumiretso naman kami sa stage kung nasaan si Coach Laura.

"Hello po, coah!" Bati namin sa kanya, agad naman kami niyang inapproach. Siya ang coach namin since Second Year at siya mismo ang nagtanggal kay Autumn sa position niya bilang leader kaya hindi na ako magtataka kung hindi sila gaanong in a good terms.

"Diane, pwede ba tayong mag-usap sandali?"
Agad ko naman siyang sinundan papuntang backstage.

"Nasan si Marfiel? Bakit wala siya?" Halata ang pag-aalala ni Coah Laura kaya mas mabuti kung kalmahin ko siya.

"Tinawagan ko po siya kanina at sinabi niyang baka ma----------------------"

"Coah Laura!" Nanlaki ang mga mata ni Coah dahil sa gulat.

"Akala namin hindi ka na makakapunta." Saad ni Coah na mukhang nakahinga na ng maluwag.

"Hehehe, pasensya na po coah." Mukhang nahiya pa siya kaya tinapik siya ni coah sa balikat.

"O sige na, pumunta na kayo sa upuan ninyo, malapit ng magsimula ang game." Saad nito kaya pumunta na kami ni Marfiel sa upuan namin. Habang naglalakad kami biglang may tumawag kay Marfiel kaya napalingon kaming dalawa.

"Zyckh." Saad nito, mukhang namula pa siya, nang mapatingin sa akin si Zyckh hindi mo alam kung tatalikod ba siya or what.

"Pwede ba tayong mag-usap sandali?" Saad niya, mukhang seryoso ang pag-uusapan nila kaya minabuti ko munang bigyan sila ng time.
May problema kaya ang dalawang yun?

"Why Did I Fall In Love?" Место, где живут истории. Откройте их для себя