Chapter 1- First Impression

37 2 0
                                    

Diane's POINT OF VIEW

"Eska!!! Pls! Samahan mo na kasi ako."

Kahit ano talagang pilit ko kay cheska na samahan ako sa bookstore ayaw pa din niya. Palibhasa kasi ok lang sa kanya na lagi siyang mag-isa.

"Ikaw na lang. Ang lapit eh."

"Pls! bestfriEnd. Libre kita"

Mukhang umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko. Sabi ko na nga ba eh libre lang ang katapat nito.

"Sige tara." At siya pa ang nanghila sa akin papuntang bookstore. Pumasok kaagad ako at hinanap kaagad ang librong hinahanap ko.

Mahilig ako sa pagbabasa ng mga libro especially mga romance tapos fantasy. Kapag inaatake ako ng boredom libro lang ang kaharap ko.

Mahilig din akong sumayaw kaso mas gusto ko talagang nagbabasa ng mga libro. Past time na kung tawagin.

Kanina pa ako naghahalungkat pero wala akong makita hanggang sa makarating na ako sa dulo ng table.

KISS BREAKER

Halos magliwanag ang paningin ko dahil sa nakikita ko. Kinuha ko kaagad yung book kaso may nakasabay ako kaya nagpatong yung mga palad namin. dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at nakita ko si.........familiar yung mukha niya. Parang basketball player.

Ang gwapo niya. Ang ganda ng brown niyang mata tapos kissable yung lips ang tangos ng ilong  at ang kinis ng mukha niya.

"Miss may problema ba?" Natauhan ako ng bigla siyang magsalita. Eto na naman ako nakakita lang ng gwapo parang gusto ko ng tumalon dahil sa kilig.

"Ah.....eh. kasi etong libro kukunin ko." Sabay turo ko sa libro kung saan nakapatong yung kamay niya. napatingin naman siya doon.

"Sorry miss nauna na kasi ako dito eh." Sabay kuha niya. Bigla tuloy akong nag-init hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis ako kayang nauna.

"Sandali lang........Akong nauna kaya akin na yan." Kukunin ko na sana ng bigla niyang ilayo sa akin. Bwiset to ah. Akala mo kung sino.

"Ako ang nauna dito miss, matagal ko ng hinahanap ang librong to. Kaya kung ako sayo maghanap ka nalang ng iba." Sabay talikod sa akin. Napailing ako sa panahon talaga ngayon hindi na uso maging gentleman ang mga lalaki.
Wala na nga halos gentleman eh.

Padabog akong naghanap ng ibang libro, pero sa totoo lang hindi naman talaga ako naghahanap eh tinitignan ko lang nan siya dito at pinapatay ko siya sa mga tingin ko.

gwapo pa naman sana siya kaso bwiset siya. Nakakainis!!!!!! Gusto ko ng sumigaw kaso baka mapagkamalan pa akong baliw.

"Siguro kung nakakamatay lang tingin kanina pa ako nilibing."

Buti alam niya. Kanina ko pa nga din hinihiling na sana lang naKamamatay ang tingin.

"Well. I'm Troy Dela Cruz bestfriend of Warren Buenavista if you know him"

Tsk. Bestfriend pala niya ang hinayupak na yun. Parehas pala sila eh mga bastos ang wait parang nakikita ko siya sa klase...don't tell me classmate ko siya. Kung ganun nga bakit di ko siya nakikitang pumapasok.

"Classmate kita. Hindi mo ako madalas makita dahil madalas cutting classes ang ginagawa ko."

Pinagmalaki pa.

"i'm not asking you." Pagsusungit ko. FC din to eh.

"Your not totally asking me but your face asking me." Sabay smirk. Aish! Gwapo sana kaso mayabang. Nakakainis siya sa halip na makipag-usap akl sa kagaya niyang baliw mas minabuti ko nalang na umalis sa lugar na iyon. Baka kasi makulong ako ng wala sa oras.

"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now