Chapter 4- Nakakainis!!!!!!!!!!!

5 1 0
                                    

"bakit andito ka????" Masungit kong tanong sa kanya ng makalapit ako sa pwesto niya.

"Bakit? Sayo ba tong mall??" Mayabang naman niyang tanong.

"Babe,who is she??" Tanong nung babaeng parang espasol ang mukha. Grabe lang ha, mas napapaniwala talaga akong Casanova si Troy dahil kung sino sinong babae nalang ang pinapatulan.

"Ewan ko, hindi ko nga siya kilala eh. lapit ng lapit sa akin, nagpapapansin yata." Gustong-gusto ko talagang patamaan ng kamao ko si troy..Bwiset.

"Hoy ikaw! Pwede ba! Lubayan mo ang boyfriend ko! kita mo namang andito ang girlfriend niya diba?! Wag kang malandi miss." Dahil sa galit ko hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko.

"Excuse me?? Nagkakamali ka yata dahil hindi ako ang nanlalandi, try mo kayang tanungin ang sinasabi mong boyfriend mo! At pwede ba! pakisabi sa boyfriend mo na LUBAYAN ako!!"

Aalis na sana ako ng bigla akong hilain nung babaeng espasol.

"Ang yabang mong umasta ha!! Akala mo kung sino ka!!!! Malan-------" sasampalin na sana ako nung babae kaso napigilan yun ni troy.

"don't you dare touch her" Kalamadong sabi ni troy. Mukha namang nairita yung babae. Diba  dapat yung girlfriend niya ang pinagtatanggol niya...tss. Iba talaga ang Casanova.

"Ma'am, may problema po ba dito??" Napatingin ako sa mga stuff namin.

"I think you need to clean the shop, may malaking basurang nakapasok eh." Sagot ko sabay tingin dun sa babae at kay troy.
Mukhang na-gets naman nung stuff yung sinabi ko kaya naman sinenyasan niya yung guard na paalisin na yung dalawa.

Bago sila umalis ang sama ng tingin sa akin ni troy. Bagay lang yan sa kanya! Hahahaha!!

"Diane!!!!" Bakit ba sa tuwing tatawagin ako ng kaibigan ko, lagi nalang siyang sumisigaw.

"Samahan mo ako dali!!!" hinila na niya ako kaagad kaya naman wala na akong nagawa.

"Isuot mo ito dali na!!!!" Binigay niya sa akin yung damit na....what?? Ako magsusuot ng ganito??

"JS ba??" Paano ba naman kasi, yung damit na pinapasuot niya saakin ay gown.

"Isuot mo nalang!!" Minsan talaga, may topak din tong kaibigan ko.

"Bakit ba, kailangan ko pang isuot to??" hindi niya ako pinansin. Kaya naman tinanggal ko na yung damit.

"bakit mo tinanggal?" Disappointed niyang tanong.

"Hello? Hindi naman siguro ako pupunta sa prom diba??" Sarcastic kong sagot.

"Mas maganda ka dito eh." Nagmamaktol pa siya.

"Ano bang meron at kailangan kong isuot yan??" masungit ko namang tanong....

"Basta...wag mo ng tanungin. Tyaka isa pa kukuhanan lang naman kita ng picture na suot mo ang damit na to." Gagawin talaga akong model?? Tss. Cheska talaga lakas din ng tama mo.

Dahil nga wala na akong magawa, hinayaan ko nalang na kunan niya ako ng pic.

After namin sa shop, naglakad-lakad muna kami, yayain ko sana si cheska para mag-arcade kaso bigla nalang may tumawag sa kanya. At gaya ng inaasahan ko maiiwan na naman ako. Dahil sa writing contest. Hay.

dahil nga mag-isa na naman ako, di ko na feel mag-laro kaya naisipan ko nalang munang pumunta sa play-ground. Yung lugar na madalas naming tambayan nun ni cheska nung kinder pa kami.malapit lang kasi to sa old school namin.

Para lang akong batang naglalaro. pagkatapos kong maikot ang play-ground na-excite akong mag-swing kaya naman pumunta ako dun.

may nakita akong batang babae. Malungkot siya kaya nilapitan ko. Nae-excite talaga ako lalo na sa mga bata.

"Why Did I Fall In Love?" Où les histoires vivent. Découvrez maintenant