Chapter 16- Secret Moves

10 2 0
                                    

Matapos ang English Subject namin para bang nagkaroon ng kakaibang Atmosphere sa classroom, malamang dahil sa DL, yung iba ko kasing classmates patama eh tapos yung iba naman Bitter. Tsss.


"Asan si Cheska?" Tanong ko kay Mark na mukhang busy sa phone niya. Nagkibit-balikat lang siya.  Matapos kong ayusin ang gamit ko nakatanggap ako ng message galing kay Cheska.


FROM: Eska ♥★😘

Sorry best friend, hindi na ako nakapag-paalam sayo nagmamadali kasi ako eh, pinapapunta ako ni Warren sa Park..Hehehe. Mian.

Tss. Basta talaga si Warren ang nag-utos agad-agad kumikilos si Cheska. Tss, kung ganun rin lang naman ang magiging BF ko malamang ipatapon ko nalang yun sa Pluto...Hahaha OA.


Habang naglalakad kami sa Hallway ni Mark walang umiimik sa aming dalawa, dahil ba sa DL. Hay naku! Sana huwag niyang mahalata. Napatigil ako ng marealize kong napatigil din pala siya at nakatingin sa isang direksyon kaya naman sinundan ko ang tingin niya.

"Ano na naman bang balak mong gawin?"

Tanong ni Zyckh kay Troy na seryosong nakapamulsa na parang malalim ang iniisip.


"As usual..Dating gawi." Cold niyang sagot sabay lakad kaso napatigil siya ng makita kami ni Mark. Hindi siya nakatingin sa akin kundi nakatingin siya kay Mark. Para bang nakikipag-sukatan siya ng tingin. I saw his jaw tightened,  really??  What happen to him?  Parang hindi siya naka-mood ngayon.  Wala man lang akong narinig na salitang nanggaling sa kanya,  ni hindi ko nga nakita ang mga mata niyang tumingin sa akin.  Problema niya??


"Tsss. Hindi na ako magtataka, He's pure Dela Cruz." Nakangising saad ni Mark.

"Eh?" Napatingin siya sa akin at nginitian ako.

"Iba ka kasi.." nakangisi niyang sagot,  dahil hindi ko na talaga maintindihan kung ano ang nangyayari sa dalawa hinayaan ko nalang. Bahala na nga sila! Hindi ko sila ma-gets.




ZYCKH'S POV

"F*ck you! G*go ka pala eh!!!"

"Tol, easy lang..Baka mapatay mo yan."

Nakapamulsa kong saad sa kaibigan ko. Langhiya! Iba ang mood ni 'Dakilang Womanizer' ngayon ah. Para bang bago siya ngayon sa amin. Dinaig pa yata ang galit nung Leader namin na dumada-moves sa Fiancee niya ngayon. Tss. Hindi ko din maintindiham to eh. Parang nitong mga nakaraang araw may oras na cold siya tapos biglang ngingiti-ngiti nalang. Minsan nga iniisip ko kung tuluyan na nga bang nabaliw to.

"Wala akong pakealam kahit na mapatay ko pa itong G*gong to! " saad niya at tuloy-tuloy padin ang suntok nito kahit na malapit ng mawalan ng malay yung sinusuntok niya. 

"Kailan ka pa naging stalker ha!?" sigaw nito sa lalaki na hinang-hina at naliligo na sa sariling dugo nito. 

"Easy tol,  napag-utusan lang naman ako. " naka-ngisi pa niyang sagot kahit na hinang-hina na,  mukhang nairita naman tong wild kong kasama kaya kwinelyuhan niya.


"Sino?! Sinong nag-utos sayo ha?!" Sigaw niya, mukhang balak pang asarin nito Si G*go kaya ayun tuloy-tuloy ang pag-suntok niya.


"Bakit ba n-napaka b-big deal s-sayo nung b-babaeng yun?" Nanlilisik ang mga matang nakatingin si Troy sa lalaki.


"Don't try me bastard! Hindi mo kilala ang kinakabangga mo!" sigaw nito. Sandali nga! Hindi ko sila ma-gets.

"Ano ba yan ha?! Tungkol ba saan ang usapang yan?!" iritado kong tanong sa dalawa.

"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now