Chapter 18- Final Game Preparation

8 2 0
                                    

NO ONE'S POV

Ang makita siya sa malayo na masaya sa iba ay nakakasakit ng puso. Alam kong matagal na niya akong gusto pero ngayong alam ko ng hindi talaga ako ang para sa kanya hindi ko malaman kong dapat ko ba siyang hayaang sumaya o agawin sa taong mahal niya. Alam kong mali ang iniisip ko pero wala eh ganun talaga.

Natatakot akong sabihin sa kanya lahat ng nalalaman ko dahil ayoko ng kinakaawaan ako. Alam kong ganun ang mararamdaman niya kapag sinabi ko sa kanya lahat-lahat lalo na ang isang bagay sa nakaraan kong maaaring bumago sa buhay namin. Ayokong ma-disappoint siya kapag nalaman niya ang tunay kong pagka-tao.

Ayoko din namang ipag-patuloy niya ang pagiging stalker niya dahil baka malaman niya ang totoo. Siguro hindi pa ito ang tamang pagkaka-taon para sabihin sa kanya lahat, dahip marami pa siyang kailangang maranasan.

Andito lang naman ako, proprotektahan ko siya.

-----------------------------------
DIANE'S POV

"Cheska!!"

Nagulat ako ng madatnan ko si Cheska na hinang-hina at basang-basa ng pawis sa girls CR.  Sa pagkakaalam ko wala namang kaaway si Cheska eh, isa lang ang pwedeng gumawa sa kanya nito. Ang matalik ko ring kaaway.  Kahit kailan talaga wala ng nagawang matino sa buhay si Autumn. 

Lumapit kaagad ako kay Cheska,  dahil sa pagod nawalan na siya ng malay, makakapag-mura na naman ako nito eh!  Bwiset na Autumn!. Dahil hindi ko kayang buhatin si Cheska tinawagan ko nalang si Mark sa halip na si Warren,  for sure namang busy sa life niya ang lalaking yun.  Agad naman siyang dumating at dinala namim siya sa clinic. Ibinilin ko nalang muna siya kay Mark dahil kailangan ko pang harapin ang may pakana na naman ng kabalbalang ito.

For sure kasama niya ngayon ang mga brat niyang kaibigan.  Akala siguro niya tatahimik nalang ako at hindi siya papatulan,  akalain mo pati bestfriend ko kinakalaban niya.  Inggeterang malandi!. Isa sa mga member ng cheer dancers si Autumn at worst dahil feeling mo siya ang leader.  Ang kapal ng face niya. 

"Here comes the brat." Nakangisi niyang saad sa mga alipores niya sabay tingin sa akin ng nakakainsulto.  Brat pala ha!  Nilapitan ko siya kaagad,  andito kasi kami ngayon sa Canteen buti nalang konti lang ang tao ngayon. 


"Bakit mo inaway si Cheska?!" Taas-noo kong sigaw sa kanya.  Tumayo naman siya at hinarap ako.  Aba!  Matapang ang AHAS na ito ah.  Nakakatakot lang baka tuklawin ako. 

"Simply because,  she's a slut!" Pagkasabi niya nun kaagad ko siyang sinampal, nagulat naman sa ginawa ko ang mga alipores niya. Aba! Baliktarin daw ba ang mundo. Aba'y kahit magpagulong-gulong pa siya diyan mag-hapon hindi mababago na sarili niya ang tinutukoy niya.

"Better watch your word bitch!  Kung sino man ang slut dito pwes ikaw yun!  Try mo kayang minsan tumingin sa salamin.  Akala mo kung sino kang kagandahan retokada ka lang naman! " Mukhang hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko,  Ayan!  Sabi ko naman kasi sayong wag mo akong gagalitin eh,  ayan tuloy nagiging pretty bitch ako.

"Anong karapatan mong sabihin yan!  Porket ba ikaw ang leader ng Cheer dance at famous ka,  ganyan ka na umasta?!  Sa totoo lang malandi ka rin eh kasi lahat ng lalaki inaakit mo!  At malakas ang kapit mo sa mga teachers natin! " Aba!  Wala talagang manners ang isang to. 

"Kasalanan ko bang maganda ako?!  Famous?  At gusto ng lahat?" Mukhang mas lalo lang siyang nainis sa sinabi ko kaya naman hindi siya nakapagpigil at sinampal niya ako kaso nahawakan ko ang wirst niya at hinigpitan ko ang pagkakahawak doon. Binitawan ko naman bigla ang kamay niya dahilan para mapangiwi siya dahil sa sakit. 



"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now