Chapter 25- TRAITOR

9 0 0
                                    

ZALDI'S POV

So! Ayan! After how many chapters binigyan din ako ng POV ni Author. Pero bago ang lahat syempre gusto ko munang magpakilala. Alam kong kilala niyo naman ako bilang traydor but let me rephrase that rumor.


Ako si Zaldi Gaspar, studyante ako sa St. Xavier High at classmate ko dati si Diane or let me say best friend ko siya dahil nung first years siya sa St. Xavier siya nag-aral. Si Diane lagi ang kasama ko, kapag may problema ako at kailangan, siya lagi yung nandiyan dahil mahirap lang kami at mayaman sila siya ang tumutulong sa akin.

Madalas akong bumisita sa bahay nila noon, madalas pa nga kaming mag-laro eg kasama ang kuya niya, hindi pa niya gaanong kasama noon si Cheska dahil nasa States sila minsan sa Canada for business matter.


Lumaki akong broken family dahil nakipag-hiwalay si Mama kay Papa dahil lagi nalang binubugbog ni Papa si Mama at umuuwi pa siya ng lasing. Simula noon mas lumala pa si Papa kaya minsan pati ang nakababatang kapatid ko sinasaktan na niya, wala pa man ako sa tamang edad para mag-trabaho pero nagpapart time job ako para lang may makain kami ng kapatid ko, wala na din ang Papa ko dahil naaksidente siya matapos makipag-inuman kasama ang mga kaibigan niya. Magmukha man akong masama pero mabuti na yun at least hindi na kami masasaktam ng kapatid ko.



Kahit na ganun kahirap ang buhay namin mas pinili kong mag-aral dahil sa eskwelahan ko lang nararamdaman ang kakaibang saya lalo na't kasama ko ang kaibigan ko pero dumating yung time na hindi ko lubos inasahan.


FLASHBACK

"Diane! Uyy!"

Napalingon siya sa akin kaya naman dali-dali ko siyang nilapitan ng nakangiti at para bang may kakaiba sa mga tingin niya sa akin.


"Bakit? Malungkot ka yata." Saad ko sa kanya at pilit siyang pinapangiti. Alam kong madalinlang gawin yun dahil palangit si Diane, makita lang niyang masaya ang mga taong nasa paligid niya ay masaya na din siya.



"Ikaw ha! May nangyari bang hindi ko alam? Mag-sabi ka naman diyan! Baka nakakalimutan mo, here's your besfriend."

Saad ko at pinisil ang pisngi niya.

"Ayaw mo, sige hindi na kita pipilitin tara ikain nalang natin yan!"

Saad ko sabay akbay sa kanya, hindi pa man kami nakakalayo bigla niyang tinanggal ang kamay kong naka-akbay sa kanya at matalim niya akong tiningnan.

"T-teka, Diane may problema ba? Galit ka ba sa akin?"

Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Napaka-mapagpanggap mo! Naiinis ako sayo! Sana hindi nalang kita naging kaibigan!"

Nagulat ako sa mga sinabi niya, hindi oo inaasahan lahat ng ito.

"Ano bang sinasabi mo?"


"Stop acting like you don't know. Sinungaling ka! Akala mo ba hindi ko malalaman huh! Napaka-sama mo!"

Sigaw niya.

"Diane."

"Your not my friend anymore Zaldi."

END OF FLASHBACK

Ayun ang pinaka-masakit na sinabi niya sa akin. Tila ba nawala na sa akin lahat. Nawala na ang mga magulang ko at tanging ang kapatid ko nalang at kaibigan ang natitira sa akin kaya naman mahirap para sa akin ang nangyari kahit na dalawang taon na ang lumipas.



"Why Did I Fall In Love?" Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz