Chapter 17- Childish Troy

10 2 0
                                    

DIANE'S POV

Hindi na kami gaanong nakakapag-bonding ni Cheska dahil madalas nalang siyang busy, syempre kailangan ko namang intindihin yung bestfriend ko lalo na't alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya, buti nga nagtino-tino na si Warren kahit papaano eh.



"Diane, ok ka lang?" Tanong sa akin ni Mark sabay abot ng Frappe sa akin, dahil hindi siya busy ngayon naisipan naming maglakad-lakad muna lalo na't medyo malamig ngayon.



"Mark, sa tingin mo pwede bang ma-fall ang man hater sa bad boy?" Curious kong tanong dahil kanina pa talaga ako nacu-curious kila Cheska at Warren.



"Uhmm. Pwede. Bakit mo naman natanong?" Saad niya sabay sipsip sa straw ng Frappe niya.



"Naisip ko lang kasi baka pwedeng mangyari yun sa bestfriend ko at kay Warren." Sagot ko naman sabay sipsip sa straw ng Frappe ko.



"Hindi naman imposibleng mag-mahal ka ng tao kahit na ikaw pa ang dakilang man hater o kahit hindi yung taong darating sa buhay mo ang ideal mo. Basta masaya ka at mahal niyo ang isat-isa mababago lahat ng pananaw mo kahit na sa iba hindi magandang tingnan pero para sayo yun ang pinakamagandang karanasan na meron ka."



Napatingin ako dahil sa sinabi niya, napangiti ako. Hindi ako nagkamaling siya ang lalaking ginusto ko. Now i know how much i like this man in front of me.



"May dumi ba ako sa mukha?" Napapitlag ako bigla ng magsalita siya, hindi ko namamalayan napatitig na pala ako sa kanya.




"Minsan, kapag gusto mo talaga ang isang tao halos hindi mo na maalis ang tingin mo sa kanya. Nakakalunod ang ganitong pakiramdam." Nakangiti kong saad habang nakatingin sa kalangitan na puno ng stars.



Napatigil naman ako ng biglang hawakan ni mark ang pisngi ko gamit ang nga palad niya at matama niya akong tiningnan sa mata.


"I know you really like me.." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, feeling ko nag-iinit ang pisngi ko.



"Diane, as I said i have a little bit crush on you, pero ayokong paasahin ka dahil ayokong umasa sa nararamdaman ko ngayon sayo. Ayokong saktan ka dahil espesyal ka para sa akin, but now i want to thank you for making me happy." Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o ano dahil pakiramdam ko kahit sabihin niyang espesyal ako para sa kanya hindi ko maiwasang magtanong.




"Salamat dahil iniisip mo ang pwede kong maramdaman but Mark can i ask you one thing?"Tinanggal niya ang pagkaka-hawak ng palad niya sa pisngi ko at tiningnan ako.




"Do you have an ex girlfriend?" Na-kwento kasi ni Cheska sa akin yung tungkol sa writing contest nila at nasabi niya sa akin yung tungkol sa sinusulat ni Mark, kaya naisip kong tanungin siya ba sakaling yun nga ang inspirasyon niya.




"Do i really need to answer that?" Saad pa niya, mukhang ayaw nga niyang pag-usapan.



"Kung-------"



"Yes, i have an ex girlfriend before.. Kaso hindi kami umabot kahit isang taon lang. The worst sinaktan ko siya, nakikipagbalikan siya but i ignored her. We don't deserve each other."


Natahimik ako sa sinabi niya. Kahit na pwede akong masaktan kailangan kong alamin ang tungkol kay Mark. Alam kong hindi sapat na stalker lang niya ako.



"Nagsisisi ka bang sinaktan mo siya?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin.


"I don't know..Ang alam ko lang ngayon naka-move on na ako." So ibig sabihin nun, minahal talaga niya yung ex girlfriend niya. Ang swerte naman niya kung sakaling isang Mark Fuente ang magse-seryoso sa kanya.




"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now