Chapter 9- Make you Fall In love

12 2 0
                                    

*365♪♪ nae maeilla jil~*

"Hello, Cheska." Bati ko sa kanya ng sagutin ko ang tawag mula sa kanya.

(Sorry Diane hindi ako makakapuntang dinner. Next time nalang ha..Sorry.)

Hindi ko alam kung anong reason niya, sa halip na tanungin ko pa siya.

"Its ok. Madami pa namang next time." Sagot ko nalang. Bigla ko namang naalala yung nangyari sa airport kanina.

FLASH BACK

"What?? I thought you need to hurry. Let's go."
Hindi ko tuloy maiwasang kiligin ng sobra. Nagwawala na naman yung mga butterflies sa sikmura ko.

"Are you blushing??" Masayado na ba akong halata para mapansin ni mark na kanina pa ako kinikilig.

"Ah, hehe..m-mainit lang.." Sagot ko naman dahilan para i-full niya yung aircon sa kotse niya. Mas lalo naman akong nilamig, kaya hininaan ko nalang muna.

"For good na ba ang parents mo dito??" Pagbabasag niya sa katahimikan.

"No..actually umuuwi sila kapag free sila if they're not busy in our business or every Christmas and New Year hindi sila nawawala." Sagot ko naman kaya napatango-tango nalang siya. Ilang minuto lang nakarating din kami sa Airport. Dumiretso kaagad kami dun sa Waiting Area.

Linga lang ako ng linga nagbabaka-sakaling makita sila mommy.

"Diane, ok ka lang ba dito?" Tanong ni Mark, tinanguan ko naman siya sabay ngiti.

"I need to leave, may kailangan akong asikasuhin." Sabi niya, mukhang mahalaga nga dahil halatang nagmamadali siya.

"Its ok. Take care." Sabi ko sa kanya sabay wave.

Plano ko pa namang ipakilala siya kila mommy kaso mukhang may kailangan siyang asikasuhin eh.

END OF FLASHBACK

MARK

Halata mo ang lungkot sa mga mata ni Diane ng sabihin kong kailangan ko ng umalis. Mukhang nahalata niyang nagmamadali ako kaya pumayag na siya. Ayoko man siyang iwan pero kailangan kong gawin yun. Akala ko nga magkikita na kami ng parents niya.

Mas lalo kong binilisan ang kotse ko dahil wala naman akong kasunod tyaka napakalawak ng daanan.

"Mark!!" Sigaw sa akin ni Ate Trixie ng makadating ako sa bahay. Napansin ko naman si Troy na mukhang busy sa phone niya sa may sofa. Hindi man lang ako napansin.

"How are you?" Tanong sa akin ni ate, hindi ko maikakailang mas lalo pa siyang gumanda.

"Here..Always Handsome." Pagkasabi ko nun naramdaman kong may bumato sa akin ng unan. Si troy ang sama ng tingin sa amin.

"Kung sino man ang gwapo sa atin Mark ako yun. Tandaan mo yan." Sagot naman niya, napatingin nalang kami ni ate sa isat-isa sabay tingin ng awkward kay Troy. Napakayabang.

TRIXIE

Well..this is my first point of view..

Ako nga pala si Trixie Dela Cruz nakatatandang kapatid ni Troy. Kakadating ko lang galing Paris uwumi ako dito para dalawin ang napakayabang kong kapatid.

"Alam ba ni Warren na nandito ka?" Tanong ni Mark kay Troy. Si troy naman busy sa phone niya kaya inagaw ko yun mula sa kanya, bakas naman ang pagkainis sa mukha niya.

"Argh! Kahit kailan talaga kontra bida ka!" Iritado niyang sagot, nginisian ko lang siya. Well ako lang ang katapat niyan, maliban sa akin wala na. Pero parang may naaalala akong na-kwento sa akin ni Mark na may natitipuhan na daw si Troy. Hindi pa kami nagwa-one on one nitong kapatid ko eh. Maliban kay Warren sobrang close din kami ni Mark hindi ko nga lang maintindihan tong tatlo kung bakit ayaw pa nilang ibalik yung dating pagkakaibigan nila.

"Why Did I Fall In Love?" Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang