Chapter 8- Friendly Date

13 1 0
                                    

DIANE

Kamuntik na akong na-late dahil tinatamad talaga akong gumising. Napuyat kasi ako kagabi malamang dahil sa kakaisip sa nangyari kahapon. Hindi ko pa din maitago ang nararamdaman kong kilig sa tuwing naiisip ko si mark.

"Diane..Hindi ka na ba kakain??" Tanong sa akin ni yaya ng mapadaan ako sa kusina. Mukhang katatapos lang niyang magluto dahil may apron pa siya.

"Baka po ma-late ako yaya eh. Sa school nalang po ako kakain." Sagot ko pero napangiti ako ng i-abot niya sa akin yung lunch box na may lamang pagkain.

"Ubusin mo yan ha." Sambit pa niya.

"Thank you yaya." At niyakap ko siya.

"Una na po ako." At tumango nalang siya bilang sagot. Pagka-dating ko sa school dumiretso kaagad akong classroom namin. Kaso napawi yung mga ngiti sa labi ko ng madatnan kong wala si mark at cheska. As usual naman, kailangan nilang maghanda para sa upcoming Contest.

Dumiretso nalang akong naka-pout sa upuan ko.

"Good Morning~" nakangiting bati sa akin ni Troy. Tiningnan ko lang siya at ibinaling nalang ang tingin ko sa bintana ng classroom namin. Hindi ko na naramdaman pa ang pangungulit ni Troy. Buti naman.

Ilang sandali lang dumating na din yung Teacher namin sa Math. Nakakainis talaga ang araw na ito kahit kailan.

Nag-discuss lang naman yung teacher namin at nagbigay ng Homework. Pagka-alis ng teacher namin lumabas kaagad akong classroom. Nakakatamad naman. Habang naglalakad ako sa hallway bigla nalang may umakbay sa akin kaya napatigil ako.

"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya. Nakakainis! Ano na naman bang trip nito sa buhay ako nalang lagi ang nakikita niyang para pag-tripan.

"Sungit." Nag-pout pa siya. Inirapan ko nalang, wala akong panahon makipag-bangayan sa kanya ngayon kaya ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad, umaasang hindi na niya ako susundan pa.

"Bakit ba lagi ka nalang galit sa akin?" Iritado niyang sabi ng harangan niya ang dinaraanan ko. Hindi pa ba halata.

"Kasi nakakainis ka!! Nabwi-bwiset ako sayo!!" Sigaw ko sa kanya, napatingin naman sa amin yung ibang studyanteng dumadaan.

"Bakit?? Ang sweet ko nga sayo eh." At nag-pout pa siya. Walang hiyang Dela Cruz talaga! Ang sarao ihagis sa pluto.

"Pwes! Hindi ako kinikilig!! Kaya pwede ba tigilan mo na ako!!" Sa halip na mainis siya, nakangisi lang siya habang tinitingnan ako. Dukutin ko kaya mga mata niya.

"Ayoko nga! Hindi kita titigilan hanggat hindi ka kinikilig." Sagot niya dahilan para mainis ako. Argh! Kahit gusto kong tumakbo wala akong magagawa dahil hinaharangan lang niya ako.

"Ano ba! Troy!" Wala siyang pinapakinggan kaya tumigil nalang ako sabay tingin sa kanya na masama. Mukhang wa-epek rin lang. Natigilan ako ng lumapit siya sa akin. Sobrang lapit at konting galaw lang pwedeng magtama ang mga labi namin.

"Don't tell me hindi ka pa kinikilig sa lagay na ito." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Bahagya ko siyang itinulak para makatayo ako nga maayos. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko.

"Hahaha! Your blushing baby." Sabay turo sa akin dahilan para mapahawak ako sa pisngi ko.

"Bwiset ka Troy Dela Cruz!!" Sigaw ko sa kanya sabay walk out. Parang wala lang sa kanya dahil tawa lang siya ng tawa. Ma-karma ka sanang bwiset ka!

Nakabusangot akong naglakad papuntang library dahil for sure naman na dito nakatambay ngayon sila cheska.  At hindi nga ako nagkamali dahil andito nga sila.

"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now