Chapter 24- Start The Plan

6 1 0
                                    

DIANE'S POV

"Sige po mga tito at tita, una na po ako. Ba-bye po." Tumango naman sila sa akin. Pagkalabas ko ng kwarto ni Cheska isinara ko din ang pinto nito. Napabuntong hininga nalang ako.


"Kailan ka ba magigising bestfriend. Miss na kita." Para lang akong baliw dito na kinakausap ang sarili. Hanggat maaari ayoko sanang umiiyak dahil ayaw ni Cheska na nakikitang nasasaktan yung mga tao sa paligid niya, paniguradong sisisihin niya ang sarili niya. Napatigil ako sa paglalakad at humugot ng hininga.





"Tiwala lang Diane, kaya yan! Kaya ni Chesoa lampasan to..Fighting!" Saad ko sa sarili ko with hand gesture pa sabay punas ng luhang tumulo galing sa mata ko. Hindi pa huli.






Pagka-labas ko ng Hospital nakita ko naman si Warren na papasok sa sasakyan niya.




"W-warren! Sandali lang!" Sigaw ko na halos mapatingin sa akin yung mga tao, mukhang hindi pa niya ako narinig dahil tuloy-tuloy lang siya sa sasakyan niya kaya tumakbo ako para maabutan siya.




"SANDALI!!!" Hinarang ko naman ang sasakyan niya, at nagulat pa siya.





"Sandali lang." I mouthed sa salamin ng pintuan ng driver seat, kaya inis niya itong binuksan.





"Problema mo? Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw niya sa akin kaya nag-peace sign nalang ako sabay puntang passenger seat.





"What now?" Inis niyang saad habang nakataas ang kilay.




"Wala ka man lang bang balak dalawin si Cheska?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa daan.





"Ngayon naman gusto mong malaman ang schedule ko sa pag-dalaw kay Cheska?" Sarcastic niyang sagot...Tss. Ma-subukan ngang ipatapon to sa Dungeon kahit minsan lang.






"Ganyan ka ba talaga? Huh!? Iatatago at itatago mo nalang ang nararamdaman mo? Tss. Fine! Deny it! HINDI NAMAN KASI HALATA!!" Sarcastic kong sigaw sa kanya dahilan para mairita siya.





"Ano ba?! Pati ba naman ikaw! Akala ko si Cheska lang ang nakalunok ng Microphone ikaw din pala!" Saad naman nya.





"Oh! See! Kunwari ka pa eh! Miss ko na Fiancee mo noh!" Saad ko kaya hindi siya nakaimik. Ayan si Warren eh, expert sa pagtatago ng nararamdaman dahil feeling niya kapag sinabi niya ang nararamdaman niya, pagbabawas yun sa pagiging cool niya. Tss.





"Don't disturb, nagda-drive ako." Saad niya naman kaya tumahimik nalang ako.




"Sana gumising ka na bestfriend, miss na miss na kita. Miss ka na naming lahat kaya sana gumising ka na magsusulat ka pa ng kwento tyaka may kailangan ka pang malaman sa Fiancee mo.." Saad ko habang tinitingnan ang picture niya sa Phone ko.






"Hindi pwedeng hindi magising si Cheska. I can feel her breath. She's a strong person kaya walang dahilan para mawalan tayo ng pag-asang magising siya." Saad niya dahilan para mapangiti ako sa sinabi niya.






"Sa wakas! Ibang Warren Buenavista na ang kaharap ko! Good Boy!" Saad ko pa sa kanya.



"Let's go." Saad naman niya dahil hindi ko namamalayang nandito na pala kami sa School.



"Ang hirap talagang i-absorb na isang Warren Buenavista ang kasama ko ngayon" Saad ko habang naglalakad kami papauntang building namin.







"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now