Chapter 7- Maybe its a Date

7 1 0
                                    

Mark Point of View

"Can i ask you something about your love life?"

Nagpantig agad ang mga tainga ko ng marinig ko mula kay diane ang tungkol sa love life, pero hindi ko nalang yun pinahalata.

"What about my love life?" Balik na tanong ko nalang.

"Do you have a girlfriend or Ex Girlfriend?" Napatigil ako sa biglang tanong ni diane mukhang nagulat din siya dahil sa biglaan niyang pagtanong kaya sinagot ko nalang.

"I don't have even once....para kasi sa akin ang love sakit lang sa ulo.. I just want to stay single,  that makes my life exciting. Mahirap mang paniwalaan pero wala sa bokabularyo ko ang magmahal. "

Napatigil siya ng sagutin ko ang tanong niya.

"How about you??" Balik na tanong ko sa kanya, mukhang seryoso na ang topic namin.

"I don't have too.....but......" Napatigil siya at nakatingin lang siya sa akin.

"But?" Mukhang hindi pa niya maituloy ang sasabihin niya.

"But.......uhmmm maybe someday dumating din yung right person para sa akin." Napatango-tango nalang ako.

After naming mag-dinner naisipan muna naming maglakad-lakad. Dahil maganda naman ang panahon ngayon.

"Aray!" Napatingin ako kay diane na hawak ang kanang braso niya.

Diane's POV

"Aray!" Napahawak ako sa braso ko ng mabangga ko ang isang lalaking naka-mask at naka-sombrero.

"What's wrong? Ok ka lang?" Tanong sa akin ni mark. Kailangan ko bang kiligin?? Parang may nararamdaman akong ibang presence dito eh.

"Ok--------"

"Troy???" Napatingin ako sa lalaking tinutukoy ni mark. What?!! Si troy yung nakabangga ko? Teka!! Parang kanina lang nakita ko siya sa restau. Tapos ngayon naman andito na.

"Nandito din pala kayo." Walang emosyon niyang sabi habang nakatingin sa akin tapos kay mark.

"Yeah...That's what I've said before." Sagot naman ni mark.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo kasama yung girlfriend mo kanina sa restau?" Ngayon naman nakatingin na siya sa akin.

"No, she's not my girlfriend..she's a friend...maybe?" Ano ba!? Napaghahalataan tuloy na Casanova ang isang to. Hindi ba naman sigurado kung girlfriend niya or friend yung kasama niya.

"Oh! I see." Nasagot ko nalang.

"Let's go?" Pagababasag ko sa sandaling katahimikan. Nag-nod nalang sabay ngiti sa akin si mark. Why so handsome mark? Wala na yata akong hahanapin pa sayo..almost perfect  ka na.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapangiti, hindi ko maiwasang lihim na sulyapan ang lalaking kasama ko  ngayon. Parang  dati lang lagi kong nai-imagine ang ganitong scenario, yung magkasama kaming naglalakad kahit na hindi naman kami kahit na mag-kaibigan lang kami. Yung makausap siya kahit minsan nauutal na ako sa pakikiusap ko sa kanya, hindi pa din nawawala yung pagka-kwela niya.

Akala ko nga dati sobrang sungit niya eh, kasi nung binigay ko sa kanya yung sulat na pinapamigay ng lola niya, yung principal, halos hindi na ako makapag-salita dahil hindi ko mapigilang kiligin dahil sa kanya.

(Yung about sa letter, nasa story ng One Hundred Twenty Days with Him if you remember)

Tyaka isa pa, madalas siyang deadma tapos yung sagot niya konti lang. Minsan nga nakuha ko pang mag-selos dahil lang kay cheska eh. Kahit na alam kong kaibigan ko siya hindi ko pa din maiwasang maiinggit dahil buti pa siya nakakasama niya si mark, buti pa siya nakakausap niya ng matagal si mark. Kumusta naman akong patay na patay sa kanya. Hay naku!
Bakit ba kasi tinanong ko pa ang about sa love life niya, ayan tuloy nabawasan ang hope ko para sa kanya.

"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now