Chapter 30-Realizing the Truth

7 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa Girls CR. Napasandal ako sa pader at napahawak sa labi ko. Napaupo nalang ako at napahagulhol, napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito? Ang sakit! Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Troy pero isa lang ang alam ko, nasasaktan siya.
At parang gusto kong sisihin ang sarili ko pero hindi eh! Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil every time na nakikita ko siya nasasaktan ako.




Nagdecide nalang ako na umuwi. Wala na akong ganang pumasok ngayon. Tinext ko si Cheska na maaga akong uuwi, pero hindi ko na sinabihan si Mark baka mag-alala pa siya. Mabuti nalang mabilis lang na dumating yung driver ko.



Gusto kong matulog dahil feeling ko sobrang pagod ako pero sa tuwing pipikit ako, nakikita ko ang mga mata ni Troy, yung mga mata niyang parang mina-magnet yung nararamdaman ko. Yung mga mata niyang nakikiusap na intindihin ang nararamdaman niya. Bwiset! Nakakainis!






"Manong! Can you stop the car?" Saad ko at itinigil naman niya.




"I will call you later Manong...Magpapasundo nalang ako..You can go." Saad ko at pinilit ngumiti.




"Take care Ma'am Diane!" at nag-wave hand pa siya. Nag-decide nalang akong pumuntang play ground malapit sa school namin dati ni Cheska nung Kinder palang kami. I have so many memories here na gustong-gusto kong balikan, sa tuwing pumupunta ako dito lagi kong iniisip ang nakaraan. Napahawak ako sa kwintas ko. Sana andito ka pa kuya....Sana........Nakikita mo ako ngayon.....Asan na siya? Sabi mo proprotektahan niya ako? Bakit ganito? Kahit suot ko ang kwintas nasasaktan pa din ako....ang sakit eh!




"Andaya mo!" Para lang akong baliw na kinakausap ang sarili ko dito. Pumunta ako sa swing. Hindi pala to gagalaw kapag mag-isa lang noh? Tsk.



"Hahahaha! Kahit na galawin mo yan mag-hapon hindi yan gagalaw!"


"Sasamahan nalang kita."


Napangiti ako ng maalala ko ang kinder life ko. Ang saya maging bata...nakaka-miss.


"Hoy! Batang matakaw ng strawberry! Ano? Tara laro na tayo!"



"Ang daya mo kaya! Bakit naman ako makikilaro sa tulad mo?"


"Talo ka lang kasi! Ang bagal mong tumakbo eh!"

"Tara na! Strawberry girl naman! Wala akong kalaro dito oh! Malulungkot ako bahala ka! Tara na!"



"Ayoko sayo!"


"DIANE ESCOTA!!!!!"


Napatayo ako ng maalala ko ang pag-sigaw niya sa pangalan ko. T-tinawag niya akong Diane? Ang batang matakaw sa strawberry. Naguguluhan ako. Naalala ko bigla si Kuya kaya naman mabilis akong nag-para ng taxi para pumuntang bahay.
Pagpasok ko takbo kaagad ako sa taas. Mukhang nagulat pa si yaya sa pagdating ko, naghand wave lang ako sa kanga sabay ngiti. Pagkapasok ko sa kwarto ni Kuya ni-lock ko kaagad yung pinto.




"Why Did I Fall In Love?" Where stories live. Discover now