I✔

5.7K 98 5
                                    

Nabalikwas ako ng higa nang tumunog ang alarm clock ko. Kahit salat sa tulog, noon pa man ay nasanay na talaga akong nagigising ng maaga. It was four-thirty AM. In fact, wala pang apat na oras simula nung umuwi ako dito sa bahay galing sa trabaho pero kailangan ko ng gumising nang maaga dahil marami pa akong tatrabahuhin ngayong araw at kailangan ko nang maghanda.

I'm a Diplomat and I always work overseas. Protecting the the kingdom's Foreign relations and kingdom's interests is my job.

May mga oras pa nga na I work twenty-four hours, seven days a week. Yes, that's how hard I lived my life everyday for seven years now. Katunayan, kakauwi ko lang galing sa isang meeting from the westside. Nagda-doubt kasi sila dahil may isang problemang hindi agad nasulusyunan ng aming bansa. Pero naasyos na iyon, konting pangugumbinsi nalang ang kailangan at yun ang trabaho ko kaya nakakasigurado akong malapit ng maayos ang lahat. Hindi naman sa pagmamayabang pero I'm good with what I do.

To be honest, I can live like a prince if I wanted to. My father, Mitchel Horecois, happens to be the weathiest man in the whole Flademia and he's good friends with the King since I don't know when. He supports the royal family financially, sa lahat ng mga proyektong maisipan ng mga ito.

Sometimes I ask myself, 'what was my father thinking?' I mean what's the catch? A very successful bussiness tycoon won't certainly do it for free. And I was right.

One day nalaman ko nalang na binigyan sya ng mahal na hari ng sarili niyang titolo dahil sa kanyang pagiging 'generous'. Isang baron. Mukang masayang-masaya naman ang lahat lalong-lalo na ang aking ama. And everyone seems to love him dearly.

Sa tuwi nalang pupuntahan ko ang aking ama mukhang damang-dama niya ang pagtawag sa kanya ng mga tao ng 'Lord Horecois'. Nakakapagtaka lang, he seemed to have to have everything one man would want pero mukang hindi naman sila nakukuntento sa kung ano man ang meron sila.

But clearly, I chose a different path. At sa tingin ko ay hindi ako para sa ganoong klaseng pamumuhay. Iniisip ko palang, pakiramdam ko ay hindi na tama. I'm just an average guy, or that's what I wanted to believe in since m

My sister, Jessica on the other hand chose to follow our dad's footsteps. She decided to run Dad's the humongous business empire. Nag-drop out pa nga sya sa med school para lang matutukan ang negosyo. When I asked her mabilis niyang sinabi na mas magiging masaya pa daw sya kung tutulungan nya ang aming ama sa mga negosyo nito.

Naalala kong kanina pa nga pala nag-iingay ang alarm clock ko kaya bumangon na ko at mabilis nagpalit ng damit upang makapaghersisyo. I decided to go for a quick run. Kahit apat na kilometrong takbo lang. That way my body won't easily get tired for the whole day of work.

Mabilis kong natapos ang four kilometer route ko. Hingal at pawisan akong umuwi sa pad ko at agad akong dumiretso sa aking kwarto upang maligo.

Mabilis din akong natapos ng paliligo. Tinungo ko ang aking walk-in closet ng biglang nag ingay ang aking telepono. A message from my sister. Bigla ko tuloy naalala na ilang linggo narin pala kaming hindi nagkikita. Namimiss ko na si bunso. Binasa ko ang nilalaman ng mensahe.

"Happy Birthday Wil! Another year older huh! Haha. I think it's about time that you find a wife now. Peace. Love you bro. See you later."

Damn. Kung hindi pa ako tinext ni Jess hindi ko pa maalala na today is actually my birthday?! Ganoon na ba ako ka-busy sa trabaho ko at sarili kong kaarawan ay hindi ko naalala?

But that simple text from her makes me smile. She can be sweet sometimes. Kapag naiisip ko kung paano siya sa loob ng kompanya at kapag kaming dalawa nalang lang ay ibang-iba ang kanyang ugali.

Sa opisina, napaka dominante nya, hindi sya madaling makuntento sa trabaho ng mga empleyado nya. Madami pa ngang nakapagsabing napakataray nya. But when it's just the two of us, napaka sweet and loving nya na parang isang bata.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon