XVII

899 24 1
                                    

Sa bilis at dami ng pangyayari, hindi ko alam kung kaya bang mag-sink in ang lahat ng iyon sa utak ko. Pinuntahan namin ni Mason ang doctor na tumingin sa akin noon. Apparently, the doctor was one my Dad's many secret friends. I've consulted him. Tinanong ko kung mayroon bang mali sa akin. He said I was just traumatized kaya nangyari sa akin iyon dahil hindi kinaya ng batang isip ko ang mga nasaksihan. Nasa kung paano ko lang daw tinanggap ang mga pangyayari kaya ako nagkaganoon.

Ang sabi niya, walang mali sa akin. I've overcome everything at sa nakikita niya at maayos tinanggap ng sistema ko ang katotohanan. Walang nagbago matapos kong malaman ang lahat. I insisted to undergo another test, nabanggit noon ni Mason na may nasaktan ako and something triggered inside of me.

Alam ko sa sarili ko na kung ano man iyon, ay nananatiling nasa loob ko pa rin. I asked the doctor about that. He said that the incident might happen again if I don't avoid stress. Pwede rin na hindi na. He advised that if ever I feel agitated or anything ay ako na mismong ang umiwas. Of course the doctor wouldn't know, katawan ko ito kaya ako ang nakakaalam kung anong nasasaloob ko. And only time can tell kung kailan ako maaring sumabog.

I'm worried. Not for me but for the people around me. What if mawala nanaman ako sa sarili. Paano kung masaktan ko sila nang hindi ko namamalayan. Si Mason, the men of our organization, my sister and most of all, the princess? Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon.

I've asked Mason what happened back then that makes me angry. Ang sabi niya, it was summer break and we had a two vacation from the army services. He wasn't with me that time kasi nagbakasyon siya sa tito niya. All he knows is that I was in Jessica's seventeenth birthday party.

May nambastos sa kapatid ko. I was out of control, buti na lang at nandoon si Mr. Berns na siyang umawat sa akin. Halos mabasag daw ang bungo ng lalaki dahil hindi ko hinumpayang sapakin.

"Where's the man now? I mean, how is he? I wanna talk to him." I said to Mason. Umiling siya.

"That can't be. He's dead." Nanlaki ang mata ko. It is because of me?

"No. It's not because of you. The man was pretty much a low life. A drug addict. He died in cell." Akala ko kung anong nang nagawa ko. Mga araw na nakalipas, madalas akong nakakaramdam ng kaba na hindi ko naman madalas maramdaman noon. I know, something has changed in me.

"Whooo! Ang tagal ng burden na 'tong nakaimbak sa kunsensiya ko!" Sigaw ni Mason na animo'y nakahinga na nang sobrang luwag. Ngayon ko na lang ulit siyang nakitang ngumiti. Hinawakan niya ako sa balikat at pinisil iyon.

"Hoy, sabi ng doktor kailangan i-avoid ang stress ah. Wag mo nang masyadong isipin ang mga nangyari." paalala pa ni Mason. Tumango ako kahit hindi maiwasan sumaglit sa isipan ko ang mas marami pang mga tanong.

Mukhang unti-unti nang bumabalik sa dating kaabnormalan itong kaibigan ko. Bakas nang muli sa mukha niya ang mga kalokohan. How hard that must've been for him. At least, I was spared. Hindi katulad niya, sa loob ng ilang taon, pasan-pasan niya sa konsensiya niya ang bigat ng mga pangyayari. Hindi ko maiwasang humanga.

"Just so you know, kung nandoon lang ako sa party ng kapatid mo, malamang baka butas na ulo noon. Ang kapal ng mukha niyang mambastos!" It's the first time in days na napatawa akong muli ng isang ito. Baliw talaga.

"Mase, ikaw na lang ang mag-drive ah. Medyo nahihilo kasi ako." sabi ko sa kanya at ibinigay ang susi ng sasakyan ko. Bakas ang pagaalalang tinignan niya pa ako. Dahil siguro sa mga ginawang test kaya medyo nakaramdam akong ng hilo Hindi naman sa malubha o kung ano, tinatamad lang talaga akong magmaneho ngayon at sinasamantala ko ang pag-aaruga sa akin ng isang ito. Minsan lang naman.

"Kailangan ko ba talagang ituloy ang project na 'to? I mean, hindi naman talaga ako seryoso sa business na 'to. Bakit kailangan pang ilagay ni Tito Mitch sa will niya iyang pagpapatayo ng mall. Kailangan ko pa tuloy makisama diyan sa kapatid mong walang kaarte-arte sa katawan." reklamo ni Mason sabay irap habang nagmamaneho.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now