XXV (Final Chapter)

2.4K 52 2
                                    

"I told you Wil, you're normal and there's nothing wrong with you. Ikaw lang naman itong nagiisip nang ganoon." Banat agad ni Mason pagkalabas namin sa clinic ni Dr. Sawyer. The doctor was recommended by Atty. Sawyer, on of Dad's​ many solicitors. Kapatid ng abogado ni Dad ang doctor kaya palagay ako sa kanya.

She was the tenth or so doctor na tumingin sa akin. What happened more than a year ago affected me in many ways. Hindi ako naniwala na walang mali sa akin so I've searched for the best psychiatrist to help me pero iisa lang palagi ang sinasabi nila sa akin. Natural lang ang naging reaksyon ko sa mga nangyari. They said it's because I blame myself for everything kaya ako mismo ay nahihirapang patawarin ang sarili ko.

To deal with my​ pain or rather... guilt​, kailangan kong um-attend sa doktor tatlong beses isang linggo at iyon ang ginawa ko noong mga nakalipas na ilang buwan.

Hindi pa rin ako palagay sa sarili ko but at least I can get to work again. Hindi na ako masyadong takot makihalobilo sa mga tao at hindi na rin ako masyadong natatakot na baka saktan ko sila. I'm back at the embassy and everyone is greeting me.

"Sir." Ibinigay agad sa akin ng sekretarya ko ang kape ko pagdating na pagdating ko palang. Nagpasalamat ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa opisina ko.

I kept myself busy for the past months. Kailangan eh. Damuhong Mason was busy as well. Nakikita kong malaki talaga ang ipinagbago ng mokong simula nang maging earl siya ng Bradleystones. He managed the land quite well and I can say that I'm impressed.

Sumunod din naman si Mason sa akin pagpasok ng opisina at binuksan ang tv. Agad siyang humilata sa couch pagkatapos. Akala niya talaga ay nasa bahay lang siya. Napailing nalang ako katulad ng palaging reaksyon ko sa kanya. What can I do? Ganyan na talaga siya ipinanganak ng nanay niya at alam kong hindi na siya magbabago kailan man.

"Sir, Madame Horecois sent this. She said she needs this ASAP." Sabi ng sekretarya ko pagpasok ng opisina at pagkatapos ay iniwan na ang tumpok ng papeles. Every week ay ganito ang nangyayari. Jessica will send a bunch of papers just for me to sign. Ako pa rin naman ang guardian niya. Kamusta na kaya ang kapatid kong iyon? Nasa iisang bansa lang kami pero kaytagal na nang huling makita ko siya.

"Hoy Mase..." Tawag pansin ko sa damuho na abalang nanonood ng cartoons.

"Anong nang nangyayari sa Horecois Industries? Kamusta na si Jess?" Tanong ko sa kanya. Siya lang naman ang ang nakakalapit sa kapatid ko pagkat si Mason ang major Partner ng Horecois sa pagpapagawa ng mall. Tuloy pa rin ang proyekto sa kabila ng mga nangyari. Sa kanya lang din ako nakakarinig ng totoong balita mula kay Jess na walang kinalaman sa kompanya.

"Ayun, yung kapatid mo, she's still​ the same. She keeps on bitch-bossing everyone." Walang ganang sabi ng damuho. Ganun pa man, nami-miss ko na ang kamalditahan ni Jess.

Nagpalipat-lipat ng channel ang damuho, marahil ay nayamot siya ng pagusapan namin ang kapatid ko. Kahit kailan talaga ay hindi na sila nagkasundo.

Headline: The Princess Regent Arrives today and everyone seems to be so eager just to take a glimpse of the new leader of Flademia.

That caught my attention. Akmang ililipat nanaman ni Mason ang channel pero pinigilan ko siya.

She's here. How I wish na sana makita ko ang mukha niya kahit sa tv lang pero hindi nangyari pagkat natatakpan siya ng mga security niya hanggang sa tuluyang makasay na siya sa sasakyan niya. The news ended and Mason tapped my shoulder.

"You alright?" He asked. Tumango lang ako. Mabilis lang ang pangyayari pero ganun parin ang epekto niya sa akin. She makes my heart beats so fast.

Four months ago, that was the last time I saw her. From​ a far. She's in England for her Regency program. Palihim ko siyang sinusundan doon kahit saan siya magpunta. Tinatanaw ko lang siya mula sa malayo at nang dahil doon, nakukuntento na ako.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon